Chapter 23 Malia Shanaya Torres TATLONG araw na ngayon na lagi akong maagang nagigising. Halos hindi pa lumilitaw ang araw, gising na ako—tahimik lang, nakatingin sa kisame habang pinipilit kong pakalmahin ang utak kong ayaw tumigil sa pag-iisip. Dalawang gabi na rin akong halos walang tulog. Siguro dahil kay Adler, o baka dahil namamahay pa rin ako. O baka pareho. Sa loob ng dalawang araw, halos araw-araw sinusumpong si Adler ng matinding sakit ng ulo. Mabuti na lang at may gamot na ibinigay ang doktor. Tinuruan ko si Atlas kung paano ito ipainom—ilang beses sa isang araw, gaano karami, at kung kailan dapat. "Remember? ikaw muna bahala kay Adler habang wala ako. Ikaw ang mata, tenga, at kamay ni Adler habang wala ako, okay?" sabi ko sa kanya kagabi, habang inaayos ko ang unan ng kapat

