Chapter 70 Malia Shanaya Torres UNA kong pinaliguan si Maeve. Tahimik lang siya habang binabanlawan ko ang buhok niya, nakayuko nang kaunti, parang nag-eenjoy sa init ng tubig. Pagkalabas namin sa banyo, naglakad pa siyang naka-tuwalya na parang maliit na prinsesa. Isusunod ko sana si Alniesel pero agad siyang umirap at tinakpan ang harapan niya. "No. I'm big boy. You can't see my... patintin. Dahil big na siya," sabi niya na parang may secret code siyang sinasabi. Halos mabilaukan ako sa tawa. God, parang si Alsiel lang. Walang pinagkaiba. "Sige, big boy," sagot ko. "Ikaw na." Hinayaan ko na lang siya. Dahil five years old na rin naman siya, mas okay na 'yon para matuto. Hanggang sa matapos itong maligo at tutulongan ko sana para magbihis pero umayaw din niya. Hinayaan ko na siyang

