Chapter 26 Malia Shanaya Torres PAGLIPAS ng ilang minuto, lumabas si Dr. Bustamante, pawis na pawis pero kalmado ang mukha. "He's stable for now," sabi niya sa mababang boses. "Nagkaroon siya ng mild seizure, pero naagapan natin. Mabuti na lang dinala mo agad." Parang biglang nanigas ang mga tuhod ko. Napahawak ako sa dibdib ko habang bumuhos ang luha ko. "Thank God...thank you, Doc." Ngumiti lang siya nang mahina. "Pwede mo na siyang makita, pero pahinga muna siya. We'll keep him under observation tonight." Dahan-dahan akong pumasok sa loob at sumunod si Doc. Nando'n si Adler, nakahiga sa hospital bed, maputla pa rin pero maayos na ang paghinga niya. May mga tubo at IV sa braso niya, at ang tunog ng makina sa gilid ay parang musika sa akin—tunog ng buhay. Umupo ako sa gilid ng kam

