Chapter 48: Gender ng Quadro

1629 Words

Chapter 48 Malia Shanaya Torres MARIIN akong nakatitig sa sarili ko sa salamin. Panty lang ang suot ko, habang nakatitig sa tiyan kong sobrang bilog na. Anim na buwan na pala. Parang kailan lang nang malaman kong buntis ako, pero ngayon, hindi ko na halos makilala ang katawan ko. Wala na 'yung dating maliit na bewang, 'yung balingkinitan kong katawan. Ngayon, bawat galaw ko may kasamang bigat at hingal. Pero sa gitna ng lahat ng pagbabagong ito, napapangiti pa rin ako minsan. Kasi sa loob ng tiyan kong ito, may apat na buhay. Apat na munting puso na sabay-sabay tumitibok. "Malikot na naman kayo, ha," bulong ko, marahang hinaplos ang tyan ko nang maramdaman kong kumilos ang isa sa kanila. Pagod ako, pero hindi ko kayang magreklamo. Gusto kong manatiling matatag, lalo na't nakikita ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD