Chapter 45: Hindi inaasahang Imbitasyon

1505 Words

Chapter 45 Malia Shanaya Torres PAGMULAT ko pa lang ng mata, parang biglang umikot ang buong paligid. Sumakit ang ulo ko at sumama ang tiyan ko kaya mabilis akong bumangon at halos matumba papunta sa banyo. Pagkapasok ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko, napasubsob ako sa bowl suka lang ako nang suka hanggang sa halos wala nang laman ang sikmura ko. Napapikit ako habang nanginginig ang mga kamay ko. "Please...stop," mahina kong sabi, hawak ang tiyan ko. Ramdam ko ang panlalamig ng pawis sa noo ko. Normal lang ito, sabi ko sa sarili ko. Ganito talaga kapag naglilihi. Nang medyo kumalma ang katawan ko, nagmumog ako at dahan-dahang lumabas ng banyo. Kahit pagod at nahihilo, pinilit kong kumilos. Kailangan kong magluto ng almusal para sa mga kapatid ko. Umuwi si Nurse Joy kagabi pero m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD