Chapter 52 Malia Shanaya Torres DUMAAN ang mga araw na parang wala nang kulay. Pitong buwan na ang tiyan ko, at bukas din ang prenatal check-up. Ayoko nang isipin si Doc. Pinilit kong kalimutan lahat, bawat salita, bawat haplos, bawat ngiti. Kasi sa huli, ako lang ang masasaktan. Ngayon, ang tanging mahalaga sa akin ay ang mga baby ko. Sila lang.May time kapag tumatawag si Doc kay Nurse Joy. Naririnig ko pa nga na gusto raw niya akong makausap. Sabi ko kay Joy, "Don't let him. Please." At kahit gusto kong marinig ulit 'yung boses niya, tiniis ko. Kasi alam kong sa bawat salitang maririnig ko sa kanya, mas lalo lang akong madudurog. Gabi na, at hindi pa rin umuuwi si Nurse Joy. Nag-text siya nasa Maynila pa raw siya, may importanteng nilalakad. Tahimik ang buong bahay. Naka-on lang an

