Chapter 14 Malia Shanaya Torres MAINGAY. 'Yun ang unang pumasok sa isip ko pagmulat ng mga mata ko. May naririnig akong iyakan, tawanan, mga paang nagmamadali. Napabuntong-hinga ako bago ako bumangon. Paglingon ko sa tabi ko, wala na ang kambal. "Adler? Atlas?" tawag ko, pero walang sumagot. Tumayo ako, nagpunta sa banyo, naghilamos, inayos ang buhok at damit bago lumabas ng kwarto. Paglabas ko, agad kong narinig ang mga boses ng mga bata sa sala—halong tawa at hikbi. Paglapit ko, tumigil ako sa may hallway. Nando'n si Doc. Nakayakap sa kanya ang mga bata, umiiyak, nag-aagawan sa atensyon niya. "Wag ka na umalis, Doc!" "Kailan ka babalik?" "Doc, dala ka ulit ng chocolate, ha?" Ang sakit panoorin. 'Yung ngiti niya pilit, pero makikita sa mukha ni Mckenzie ang lungkot. Napatingin

