Chapter 13 Malia Shanaya Torres HINDI ko na kayang pigilan pa. The tears came before I could even stop them. Ramdam ko pa rin ang bigat ng mga salitang binitiwan ni Doc, simple lang pero parang tinanggalan ako ng hininga. Pinilit kong maging matatag. I pressed my lips together, mabilis na pinunasan ang mga luhang dumaloy sa pisngi ko nang marinig ko ang boses ni Zaldy sa likuran ko. "Magbihis ka na, Malia. Uuwi na tayo sa bahay ampunan," mahina pero diretso niyang sabi. "Kailangan na nating magpahinga. Maagang aalis si Doc bukas...may flight pa siya papuntang Amerika. Candice badly needs him." Candice. That name twisted something inside me. Tahimik na lang akong tumango. Hindi ko na nagawang magsalita pa, baka marinig pa nila kung gaano kabasag ang tinig ko. Kinuha ko na lang ang tu

