Chapter 11 Malia Shanaya Torres MALAMIG ang hangin sa tabing-dagat, amoy alat ng dagat na nahahalo sa usok ng mga inihaw. Maingay ang paligid, mga bata tumatakbo, tawanan ng matatanda, at ang tunog ng alon na parang background music sa gabing iyon. Hawak ko ang paper plate ko, puno ng pansit, pritong isda, at konting barbecue. Umupo ako sa isang mahabang bangko sa gilid, sinubukan kong pakalmahin ang sarili. Habang ngumunguya ako, narinig ko ang boses ni Kapitan Martin. Tumayo siya sa harap, hawak ang plastic cup ng softdrinks, at ngumiti sa lahat. "Mga kababayan," panimula niya, malakas at buo ang boses. "Gusto ko lang magpasalamat ngayong gabi. Alam kong abala ang bawat isa, pero nakita ko kung paano natin sinuportahan ang medical mission na ito. At syempre, hindi mangyayari ang laha

