Chapter 55 Ito po ang kabuoan ng PROLOGUE. THIRD PERSON POV EXACT two p.m, tahimik na nakatayo si Mckenzie sa loob ng crematory. Ang paligid ay malamig, wala kang maririnig kundi ang mahinang ugong ng makina at ang mabigat na paghinga ng tatlong taong naroon—siya, si Sab, at ang asawa nitong si Amari. Hindi sumama si Nurse Joy. Naiwan siya sa ospital para bantayan si Malia. At sa sandaling ito, habang ang mundo ni Mckenzie ay unti-unting nilalamon ng usok ng pagkawala, si Malia naman ay nakahiga sa kama—gising pero tahimik. Kanina pa siya kinakausap ni Joy pero hindi ito sumasagot. Ngumingiti lang nang mahina, saka tatanungin kung nasaan sina Atlas at Adler. Pagkatapos ay pipikit, pinipigilan ang luha na sa huli ay kusa ring dumadaloy sa gilid ng kanyang mata. Ngayon ang cremation ng

