Chapter 29 Malia Shanaya Torres BUONG magdamag, hindi ako nakatulog. Paulit-ulit lang na bumabalik sa isip ko ang dalawang bagay, ang operasyon ni Adler mamayang alas-siyete y medya ng umaga, at ang kontratang pipirmahan ko mamaya kay Doc Medrano. Hindi ko alam kung alin ang mas kinatatakutan ko. Ang panganib ng operasyon, o ang kasunduang posibleng magbago ng buong buhay ko. Nakaupo lang ako sa sofa sa tabi ng kama ni Adler, nakatitig sa kanya habang mahimbing siyang natutulog. Ilang sandali lang, narinig kong parang umuungol siya, mahina, parang may nararamdaman. Dali-dali akong lumapit at naupo sa tabi ng kama. Hinawakan ko ang kamay niya, malamig pa rin, pero gumalaw ng bahagya. "Adler..." bulong ko, hinaplos ko ang buhok niya. "A few more hours, baby. Then no more pain, okay? You

