Chapter 28 Malia Shanaya POV KINABUKASAN, tanghaling tapat. Tahimik lang akong nakaupo sa waiting area, habang pinapanood ang mga dumadaan na nurse at doktor. Lahat sila may kani-kaniyang lakad, pinagkakaabalahan, pero sa akin, parang ang bagal ng oras. Sabi ni Dr. Bustamante, lalabas daw mamaya ang final result ng mga lab test ni Adler. Kung okay lahat, makaka-go na kami for the surgery. Ipapatawag daw niya ako agad pag may clearance na. Huminga ako nang malalim. Half of me wanted to believe everything would go smoothly. The other half—terrified. Tumayo ako para bumalik muna sa kwarto ni Adler. Habang naglalakad ako sa hallway, napansin ko ang ilang nurse at staff na nakatingin sa akin. Nagbubulongan. Hindi ko man marinig lahat, sapat na ang mga piraso ng salitang sumasampal sa tenga

