Chapter 85 Adrian Bernard Mckenzie Medrano KASABAY ko sina Atty. Alonzo, si Zaldy, at isang pulis na kasama niya, habang naglalakad kami papunta sa resthouse. Mabigat ang hangin, parang nakikibagay sa bigat na nasa dibdib ko. Hindi pa rin nagsi–sink in sa utak ko kung paano nawala ang mga property ko. At mas lalo akong nabubuwisit sa katotohanan na, wala naman akong ibinenta. Ni isang lote. Ni isang piraso ng lupa. Wala. "Doc, once masagot nila kung sino ang nagbenta—" ani Atty. Alonzo. "I know," putol ko, madiin. "And I will make sure na lumabas ang totoong pangalan." At kahit ayaw kong aminin, may pangalang pumipilit pumasok sa utak ko... pero tinulak ko ulit. Hindi puwedeng siya. Paglapit namin sa resthouse, may lumabas na babae sa malaking pinto, naka–apron ang lumabas, nakangi

