Chapter 86 Adrian Bernard Mckenzie Medrano HINDI pa man ako nakakabawi sa hininga, may kumilos na naman sa gilid ng paningin ko. The same white dress. The same silhouette. The same impossible tug sa dibdib ko. Napatuwid ako agad ng tayo. "Hey—" pero bago ko pa man maabot ang boses ko, tumakbo na ang babae. This time mas mabilis. Parang hinihila siya ng hangin. Parang hindi tumatama ang paa sa lupa. At hindi ko alam kung dahil ba sa adrenaline o dahil sa takot na mawala siya ulit sa paningin ko, tumakbo rin ako, buong lakas, parang may apoy sa ilalim ng mga paa ko. "Malia! Wait!" boses ko halos masamid sa hangin. Lumabas siya sa garden, at dahil sa hangin, umangat ang laylayan ng white dress niya, para talagang lumilipad siya. Every movement felt unreal. Too familiar. Too her. Hi

