Chapter 87 MCKENZIE HINILA ako ni Zaldy palayo. Pero nagmamatigas ako. Siniko ko siya, pilit na umiwas sa mga braso niya hanggang sa mabitawan niya ako. The moment I was free, sumugod ako ulit. Kahit harangin pa nila ako, kahit sabay-sabay pa sila,wala akong pakialam. I needed to get through. I needed to see her. Tinawag ko si Atlas. "Atlas..." tinawag ko siya, halos hindi lumalabas ang boses ko dahil sa bigat ng dibdib ko. "Please... I just want to see her. Kahit isang beses lang. I just—" napakuyom ako ng kamao, desperado. "Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong... makiusap sa kanya. Hindi ko man mabago ang nakaraan, pero… hayaan n'yo akong humingi ng tawad. Please." Pero walang gumalaw sa kanila. Walang kumurap. Kahit isang pirasong awa, wala akong makita. Nanlumo ako sa mga nakita

