Chapter 50 Malia Shanaya Torres AGAD akong naglabas ng mga sangkap pagkapasok sa kusina. Ayokong masayang ang oras, isang araw lang ang binigay ni Doc, at gusto kong maging maayos lahat. Habang binabalatan ko ang bawang at hinihiwa ang sibuyas, pilit kong iniiwasan ang mga nangyari sa aming dalawa. Pero kahit anong iwas, paulit-ulit pa rin siyang bumabalik sa isip ko—pati 'yung mga salitang "first and last time" na parang pako sa dibdib ko. Narinig ko ang mahinang yabag sa likod ko. Akala ko si Joy, pero nang lumingon ako, si Atlas pala. Tahimik lang siyang lumapit at walang sabi-sabing kinuha ang kutsilyo para tulungan ako. Pinanood ko lang siya habang maingat niyang hinihiwa ang kamatis, tahimik siya, pero laging ramdam mo ang bigat ng iniisip. "Thank you," sabi ko, pilit na ngumiti.

