Chapter 1
"Papa, please wag naman ganito. Pag-isipan mo namang mabuti, you can't decide that fast. It's my happiness and freedom we're talking about!" i cried frustratingly.
They can't do this to me! I'm their daughter and i can't take to marry a man that i didn't love! Hindi nila ako pwedeng pilitin na pakasalan ang lalaking di ko naman gusto to!
My father is supper strict just like the other father to their daughter. Mama and Papa is not in good terms since i born, iniwan ako ni mama kay papa. But despite of his strict attitude, he still make me feel loved and wanted. Siya ang nagpalaki at nagdesiplina sa akin. Hanggang sa nag 6years old ako ay nagkabalikan sila ni Mama. Naging buo ulit ang pamilya namin at nararamdaman kong araw-araw ay bumabawi si Mama sa lahat ng nagawa niya. I feel that they really love each other.
Kaya naintindihan kuna lahat ng sakripisyo nila para sa akin, lalo na si Papa ay nangako ako sa sarili ko na gagawin ko ang lahat upang maging masaya sila. Whatever they ask me, I'll gladly do it.
But I think not this one, hinding-hindi ako magpapakasal sa lalaking hindi ko kilala at hindi ko mahal!
"Anak para naman yan sa kapakanan mo. Ikaw lang ang nag-iisa kong anak at ikaw lang ang nag-iisang tagapagmana ng kompanya. And besides Kyle is a good man." papa answered calmly.
"Gusto lang namin na may mag-alaga sayo, anak. Matanda na kami ng Papa mo at gusto naming makasigurado ang kaligtasan mo." segunda naman ni Mama.
"Ma, I can manage to be alone–"
"No, hija. You can't manage to be alone. We don't want you to be alone, hindi lahat ng pagkakataon ay nandito kami gumagabay sayo. Your busy managing on your own career and I doubt that you don't have enough time and strength to handle our family business all by yourself. Kyle is a right man for you. He can help you, us. Kapag makasal kayo ay mas lalong lalago ang business natin. Mas lalakas pa ang koneksiyon natin."
Kyle huh?! Sa dami-dami ng pangalan sa mundo na aasawahin bakit Kyle pa?! Bakit kapangalan pa ng tukmol na Yun?
I stand in front of my Papa sitting on his swivel chair and my Mama who's standing beside papa, I stared my Papa on his eyes.
Bakit? I thought they love me? Bakit parang mas importante sa kanila ang negosyo? Did they even imagine me imprisoning myself into that freakin' marriage? Did they already know what kind of a man that their talking about?
My eyes shimmered in tears when i looked at my Mama and Papa. My lips quivered.
"P-Please....Mama, Papa.." i begged and crying in front of them.
Mama looked away, i know she doesn't want me seeing like this.
It's few seconds later he averted his eyes from me and released a sigh. Napatungo siya bago napailing.Slowly, he pulled his body off the chair and made his way towards me. My insides broke down when he brought his wrinkled hand on my cheek and stroked it gently. Napatungo ako, mas lalong lumakas ang pagiyak, wala ng magawa pa.
"I'm sorry, hija. But you have to understand that I'm doing this for you. Gusto kong mapunta ka sa mabuting kamay at ang kumpanya. Don't worry, Kyle is a good man. You will learn to love him for sure."
Bumibigat ang dibdib ko habang naaalala ang pinag-usapan namin nina Mama at Papa. Limang araw na ang nakalipas simula noong nag-usap kami ay palagi nalang akong lutang, lalo na noong nasa school ako.
"Miss Añuenuvo, nakikinig ka ba sa lessons ko? Feel free to leave this class if not!"
Yan ang nakapagpainis pa lalo sa akin! Kala mo naman sobrang galing niyang magturo! Kaya nga siguro walang nagtagal na girlfriend ang lalaking yan dahil sa kasungitan at ang pagiging cold niya!
Umaasa pa rin akong magbabago ang isip ni Papa kahit pa alam kong imposible na mangyari iyon. Sana, sa kahit na anong paraan, hindi na matuloy ang kung ano mang pinagkasunduan nila.
Sa gitna ng pagiisip ko, naulinigan ko ang magkakasunod na katok mula sa aking pinto. Without breaking off my eyes to the nature in front of me, I spoke.
"Come in,"
Walang ilang segundo nang lumangitngit ang pintuan. Nanatili akong nakatingin sa mga bulaklak na nasa ibaba na alaga ni Mama na naghahatid sa akin ng kapayapaan, tuwing pinagmamasdan ko ito. Magkapreho kaming dalawa ni Mama na mahilig sa bulaklak. When i feel sad and lonely, dito ako tumatambay sa veranda ng aking kwarto dahil nakikita ko mula sa itaas ang mga halaman na alaga ni Mama. Dito ako tumabambay at nagpapalipas ng oras.
"Ma'am, pinapatawa na po kayo ng Papa ninyo. Nasa ibaba na po ang mga bisita."
Bumuga ako ng hangin. This is the fuckest day of my life. The day where I'm going to meet my damn fiancee. Isn't it bullshit?l
"Susunod na ako," I answered lifelessly.
"Sige, po."
Narinig ko ang pagsara ng pinto. I stood up and blew a frustrated breath before heading to the doorway. Sa entrada pa lang ng hagdan ay natanaw ko na si Papa. Nakaupo ito sa pangdalawang sofa nakikipagtawanan sa dalawang tao sa harapan niya. I think Mama is in the kitchen. Dahil nakatalikod ay hindi ko magawang makita ang mga ito. Sa gilid nila ay naroon naman ang isang lalaki na nakadekwatro habang ang mga siko ay nakatuon sa arm rest ng couch at ang kamay ay magkasalikop sa ibabaw ng kanyang tiyan. Walang emosyon itong nakamasid sa mga naguusap.
He's the Kyle that Papa's talking about?! No way!
Sinadya kong lakasan ang yabag ko sa bawat pagbaba ko sa hagdan. Successfully, nakuha ko ang atensyon nila. Papa was the one who lifted his head. Nang makita niya ay ako ay agad gumuhit ang ngiti sa labi niya.
"Oh, here's my daughter! Cassielle, come here, hija." Papa said delightfully. Bakas na bakas ang saya.
While he's happy, here I am, feeling like going into my own place of hell.
I forced a smile and walked towards my old man. Dinaanan ko ang pwesto ni Kyle para marating ko ang kinaruruonan ni Papa. I'm still shock but I need to act normal!
"Pa," I leaned over him and planted a gentle kiss on his cheek. Pagkatapos noon ay naupo na ako sa tabi niya at hinarap ang mga bisita.
They're both smiling genuinely at me.
"Hija, they're Ezra and Kheo Monteverde, your future in-laws. And this is their son, Kyle Mathew, your soon to be husband....."
Gusto kong ngumiwi sa naging paraan ng pagpapakilala ni Papa pero dahil alam kong magagalit siya oras na gawin ko iyon at pinilit ko na lang rin ang ngumiti sa mga matatanda sa harapan ko.
"Good afternoon, po. I'm Cassielle Trinity Añuenuvo." bati ko sa kanila. Sunod kong binalingan ang walang imik na lalaki sa gilid ko.
Naabutan ko itong nakatitig sa akin. He's still the Kyle that i hate. His face tells of a lean body beneath his formal garb and his expression is serious and unkind. His hair was fixed in a clean cut. He had a set of deep obsidian hooded eyes and an upturned nose. He has a white complexion, bagay na ayoko. Gusto ko sa lalaki ay moreno. Gwapo siya kung tutuusin. But he's not my type. I don't think he will ever be. I really hate him.
"Afternoon," malamig na bati ko sa kanya.
Tumango siya. Malamig rin ang pakikitungo sa akin.
"Afternoon,"
"I'm so glad to finally meet you today, Trinity. You're so pretty! I already saw some of your designs and i truly love it!" agaw ni Mrs. Monteverde sa atensyon ko.
I smiled emotionlessly. "Thank you, Ma'am. It's just that I really love what I am doing."
Huminga ako ng malalim at iginala ang paningin sa kanilang lahat.
"If you don't mind, can I talk to my future husband alone?" I asked bravely, emphasizing the word husband.
I looked at Kyle and found him raising his left thick brow. Agad ko rin inalis ang tingin sa kanya at ibinalik ito sa mga tao sa aking harapan
Nagkatinginan ang mga matatanda. Sa huli ay nagtanguan din ang mga ito na naging hudyat para tumayo ako.
"Thank you," I onced again gave Kyle a cold glance. "Follow me,"
Dumiretso ako sa labas ng bahay, sa bakuran mismo. Agad na tumama ang sikat ng araw sa balat ko ngunit hindi ko iyon ininda. Sinikap kong tumayo roon ng tuwid habang ang mga braso ay pinagkrus sa ibabaw ng dibdib ko.
Hindi ko talaga kaya! Ang simpleng paghaharap pa lang namin at umaktong ayos lang ang nangyayaring pagkakasunduan sa harapan namin ay isa ng malaking kalokohan! I don't wanna marry him! I don't want to be his wife! There's no way I would be happy with him!
Suminghap ako at nagbuga ng mabigat na hangin.
Napabaling ako sa gilid ko nang makita ko si Kyle na nakatayo sa tabi ko. Nakatingin ito sa kawalan habang ang mga kamay ay nasa parehong bulsa.
"What do you want to talk about?" malalim ang boses na tanong niya. Ang tono na ginamit niya sa akin ay para bang isa lang akong ordinaryong babae at hindi ang babaeng nais ipagkasundo sa kanya.
Pinagkalas ko ang mga braso ko at matapang siyang hinarap.
"Stop this f*****g set up. Ayokong magpakasal sayo."
Tumaas ang sulok ng labi niya. "The feeling is mutual, my dear student."
Mabilis na guminhawa ang dibdib ko sa naging sagot niya. The feeling is mutual! Ibig sabihin ay ayaw niya rin magpakasal sa akin? Ibig sabihin ay puwede namin sabihin sa bawat magulang namin na hindi kami magpapakasal!
"Ayun naman pala! Sabihin mo sa mga magulang mo na walang matutuloy na kasalan sa pagitan natin!" impit na bulalas ko, frustrated na.
Ngumuso siya, nagpipigil ng ngiti. "Why? Meroon ba akong masasagasaang relasyon kung sakali?"
It took me seconds before I understood what he meant by that.
"I'm too busy for a boyfriend, Mr. Montenegro. Kung sa pagnonobyo nga ay wala akong panahon, sa'yo pa kaya-"
"Don't worry. Won't demand anything from you. When we got married, we're just going to act civil like just any strangers there."
Bumilis ang paghinga ko. "Wala akong pakielam sa mga gusto mo! Ang gusto ko ang intindihin mo! Sabihin mo sa kanilang hindi tayo magpapakasal-"
"Not going to happen. I have to marry you for the sake of our company. We're going to benefit from this fixed marriage, Trinity. Believe me. So stop forcing your way out of this trap because you're bound to be my wife whether you like it or not. End of conversation."
Pagkasabi niya noon ay tinalikuran niya na ako at makisig na naglakad pabalik ng bahay. Halos magkiskisan ang ngipin ko sa tindi ng galit na nararamdaman. My face feels heated and I was like a bomb ready to explode anytime soon.
Ang pagasa na kanina lang ay namuo sa dibdib ko ay agad rin naglaho matapos marinig ang naging sagot niya. Ni hindi man lang siya nagdalawang isip na isagot sa akin iyon. It's like he has thought about it along time ago just before he stepped into this house!
Wife my ass! I will never be a good wife to you, Kyle. I swear!