Boris’ POV Kakatapos ko lang ayusin ‘yung dining table sa dito bahay nila Tanya. Napatingin ako sa paligid. Ang ganda ng set-up. Para kaming may mini-date, pero sa totoo lang, di naman talaga. Kasama namin si Mister Pa-Cool—Dave. Simula nang bumalik siya dito, tila ako’y naging background lang sa love story ng dalawang ‘to. “Boris, okay na ba ‘yung wine?” tanong ni Tanya habang inaayos ang buhok niya sa likod ng tenga. Kung titignan mo, parang wala siyang ibang iniisip kundi si Dave. “Oo, Miss Tanya. Chilled na,” sagot ko habang itinutulak ko ang dining chair para sa kanya. Hindi ko maiwasan mapailing nang makita ko si Dave na parang model na naka-sandal sa pinto, nakangisi habang nakatingin kay Tanya. Ano bang laban ko sa ex-bodyguard na ‘to? Mayaman na, guwapo pa. Kung sabagay, wal

