EPILOGUE
“Ash, let's go, malelate na tayo!“ sigaw sa akin ni Grace.
Dali-dali naman akong lumabas ng kuwarto ko.
“Dahan-dahan naman sa pagkilos, babaysot at hindi ka naman hinahabol ng kabayo!“ wika ko dahil nakita ko siyang mukhang kanina pang aligaga.
Excited yarn?
“Gaga, hindi mo kasi naiintindihan ang nararamdaman ko!“ wika niya na inirapan ko.
Kung may ibang taong nakakarinig sa amin ngayon ay baka isipin nilang nag-aaway kami na mala-telenobela.
“Tsk. As if naman papansinin tayo ng crush mo kapag nakalapit tayo, 'di ba?“ pang-iinis ko pang lalo sa kaniya.
Inirapan niya muna ako bago magsalita.
“Tse! Bad vibes ka talaga! Ganiyan ba ang epekto ng break up mo 5 years ago?“ wika niya habang mapang-asar akong tinititigan.
“At least hindi na-friendzone.“ ganti ko.
Nakita ko namang natigilan siya at napapikit-pikit ngunit kaagad ring nakabawi.
“At least hindi na in love sa ex. At least hindi na inistalk ang i********: kahit nagbreak na, at least nakamove-on na, at least hindi bitter kasi may hiinihintay pang comeback, at least hindi indenial na mahal pa ang e—“
“GRACIA AMOR!“ tila galit kong wika.
That's it! Nakuha na naman niya ang tamang timpla kung paano ako asarin.
Natatawa naman niya akong tiningnan.
Nang makita niya atang namumula ako ay kaagad na naman niya akong binato ng asar.
“Yieee, kinikilig!“ pang-aasar niya.
“Gago! Bilisan mo na, ikaw itong nagpapamadali sa 'kin, tapos malelate pala tayo dahil sa'yo,“ kunwari ay inis kong wika.
Niyakap naman niya ako.
“Sorry na, Abo! UwU!“ wika niya habang pinaglalapat ang dulo ng kaniyang mga hintuturo at nagd-doe eyes.
Cringe.
“Tss, tumigil ka, gaga! Ang sakit mo sa mata,“ wika ko habang tinatakpan ang aking mga mata.
“Eh 'di wow! Masaya ka na niyan?“ wika niya sabay hampas sa balikat ko.
Ang dress ko, magugusot!
“Tara na nga lang! Ayoko nang makinig sa kabaliwan mo,“ I said boredly.
“Let's go na, ex ni Gray,“ wika niya sabay hampas sa balikat ko.
Foul No. 1 at Foul No.2!
“GRACIA AMOR!“ naiinis kong sigaw.
Ang babae naman ay tumatawang tumakbo papunta sa kotse.
Madapa ka sana!
Nang dumating kami sa venue ay parang bata akong ipinasyal ni Grace. Mula sa fountain ay pumunta kami sa garden, sa dining hall, sa iba't ibang mga tables at nakipagkilala sa iba't ibang mga taong hindi ko kilala.
Arrggh! I hate socializing so much! Ayoko talagang makihalubilo sa tao, but since it's for my job, no choice ako.
I'm a fashion designer, so I have to socialize and talk to many people for me to be able to widen my assets, resources and offers.
Hayys, is this the disadvantage of being an introvert?
Unlike Grace, I am not the type of person who speaks a lot. I don't have many friends too and I'm better off alone. I hate noise!
Ewan ko nga ba kung bakit naging kaibigan ko itong si Grace.
She's so loud but nevertheless, she's one of my trusted friend. We're best friends, actually.
Okay lang namang duo 'di ba, sabog at composed? Hahah
Natigil lang ang aming pamamasyal nang nagsalita na ang emcee sa unahan. Umupo na kami kaagad ni Grace sa upuan na nakalaan para sa amin. Medyo nairita pa nga ako kasi ayaw pang sumama kanina ni Grace sa akin. She keeps on looking at the direction of the famous bachelors' table. Hmm, something's strange with this girl.
“Good night everyone, I'm happy to see you all here on this very important event. Thank you to all the ladies and gentlemen that are here tonight. This event is very important because we will feature some of the most-sought CEO in our country who owns enormous clothing lines. We are also lucky to have one of the most-sought bachelor to give us his speech and he'll be explaining to us the reasons why he established his clothing line.“ the emcee announced. After his announcement, the event had started.
Maraming mga CEO and aspiring owners of small clothing lines ang nakibahagi upang i-share ang kanilang mga unique designs. Marami ring mga CEO ang nagbigay ng kanilang mensahe at mga tips sa kung paano mapapalago ang ganitong negosyo.
I take note of all the useful tips na naririnig ko. As a designer, I have to take note of all the considerations regarding the designs and styles of the dresses and gowns that I'll be making. Medyo nangangapa pa ako sa ganoon eh.
Pagkatapos nang pagpapakilala ng ibang mga CEOs and ilang mga may-ari ng clothing line, ay dumako na ang emcee sa pagpapasimula ng isa sa tinututukang parte ng event na ito; ang pagpapakilala sa bisita at guess speaker for tonight.
“Alright, everyone! Since narito na po ang hinihintay natin, we can now proceed to the main part of this event, and that is the introduction of the CEO of ABO Clothing Line.“ wika ng emcee.
Hmm, sino kaya ang CEO na ito? Nakakamangha ang kaniyang naging success, dahil kung hindi ako nagkakamali ay apat na taon pa lang naitatayo ang kaniyang clothing line ngunit sikat na agad ito. Mas lalong umingay ang pangalan nito ngayon dahil sa pagiging misteryoso ng may-ari nito.
Hmm, ano kayang nakain ng may-ari ng ABO Clothing Line upang mapaunlakan ang paanyaya sa gabing ito?
Ahh, siguro ay balak na talaga niyang ireveal ang sarili niya ngayong gabi dahil malaki ring event ito.
Imagine meeting more than thousands of well-known businessmen, billionaires and millionares! Makipagkamay ka lang sa kanila ay ramdam mo na agad ang kahirapan.
“Now, ladies and gentlemen, let's give a round of applause to the owner and CEO of ABO Clothing line, Mr. Grayford Bether!“ masiglang wika ng emcee na kulang na lamang ay magtitili.
Nanlamig ang aking katawan nang makita ko ang pamilyar na bulto ng isang lalaki na papaakyat sa stage. Nanuyo ang aking lalamunan habang pinagmamasdan ang lalaking halos kalahating dekada kong hindi nasilayan.
Habang ang bawat taong nasa event ay nagpapalakpakan, nagbubulungan at napapasinghap ay para akong estatwang nakatitig lamang sa kaniya.
Maging ang aking mga paa ay hindi ko na rin maramdaman.
Shit, 5 years na ang nakakalipas pero bakit ganito pa rin? Bakit ganito pa rin ang epekto niya sa akin?
“Okay ka lang?“ naninimbang na tanong ni Grace. Siguro'y katulad ko rin siyang nagulat kanina.
Sino ba naman ang hindi magugulat 'di ba? CEO si Gray ng clothing line na binabalak kong applyan ng contract kapag natapos ang kontrata ko sa ibang bansa.
I'm just here because of this event, anyway. Dalawang linggo lang naman ako rito, kasama ang bruha kong kaibigan.
“O-Okay lang ako,“ Kahit na nag-aalala pa rin si Grace ay tumango na lamang siya.
Hayy naku, Jenniel Ashrei! It's been 5 years! Nakalimutan mo na siya, okay!?
Nang magtama ang aming mata ay madilim niya akong tiningnan bago nag-iwas ng tingin. Napapikit-pikit naman ako roon.
Bakit mukha siyang hindi nagulat nang masilayan niya ako, samantalang ako'y halos lisanin na ng kaluluwa? Is he expecting me to be here?
Ewan ko, pero bahala siya. I don't want to
assume things.
Bumuntong-hininga muna si Gray bago magsalita sa mic.
“Good evening, ladies and gentlemen. I am not really good at speaking, so please bare with me. Before we start, I would like to introduce myself.“ wika niya sa nakakaintimidate na boses.
His voice became deep now, huh.
Wait, what!? Seryoso ka ba, Ashie!? Ano 'yong sudden compliment na 'yon, huh!?
“I am Grayford Bether, the owner of ABO Clothing Line. I established my own clothing line at the age of 23, with the help of the woman who is close to my heart. She helped me gain inspiration and she motivated me to continue bleeding for this business. She has a good fashion sense and she's good at creating designs for clothes.“ wika niya. Nang magtamang muli ang aming mata ay napansin ko ang paglamlam niyon. Nag-iwas kaagad ako ng tingin.
Gosh, Ashie! Don't assume too much! Hindi ikaw 'yon and that will never be you! Iniwan mo nga 'di ba!? Don't expect na may babalikan ka pa!
“Creating a clothing line wasn't really my thing before. I'm more on designing for houses and buildings. I finished college with a degree and I am also an Architect, malayong-malayo sa kung ano ako ngayon. Imbes na bahay ang ginagawan ko ay sa damit ako napunta,“ natatawa niyang wika.
Nangingiti naman ako.
Oo nga 'no?
Dati, lagi niyang sinasabing pangarap
niyang magdisenyo ng mga bahay. Sinabi niya sa akin noong kami pa na siya raw ang magdedesign ng future house namin.
Syempre, noon ay tuwang-tuwa pa ako, but now, remembering how nice those old days was, parang gusto ko na lang bumalik sa nakaraan para hindi ko na siya kailangang bitawan.
“I had dreamed of creating designs for houses, because a woman introduced me to it. Sabi niya, bagay raw sa akin 'yon because I'm amazing in creating designs. She told me that I could excel at that. That woman, she helped me know what I want to be, at iyon ay kung ano siya. I want my businesses to always be associated to her. Lahat may kinalaman sa kaniya, lahat dapat tungkol sa kaniya,“ wika niya. Sandali siyang tumigil sa pagsasalita dahil may tila hinahanap siyang mga mata sa daan-daang mga taong naroroon.
Nahigit ko ang hininga nang ibaling niya ang kaniyang titig sa aking direksyon.
Huh? Ano na naman?
Kanina, iniisip ko na coincidence lamang
ang pagkakatinginan namin, pero ngayon, parang mayroon na talagang something.
Tanga! Galit sa'yo 'yan, gaga! 'Wag kang assuming! Kaya ka nasasaktan eh!
“Hindi siya nawala sa puso ko. Hindi ako iniwan ng ala-ala niya hanggang sa nakagawa ako ng sarili kong pangalan. Ang ABO Clothing Line ay inihahandog ko sa babaeng lubos kong minahal ngunit lubos din akong dinurog. You made me stronger and because of you, I reached this far,“ wika niya na umani ng bulungan mula sa mga tao.
“Hala, that girl was so dumb! Ginto na, pinakawalan pa!“
“Gosh, sino kaya si Ate Girl? Ang kapal ng mukha niya kung iniwan niya nga si Gray!“
“Okay lang 'yan, Gray. Ang dami pang mas better kaysa sa babae na iyon!“
Ilan lamang iyan sa mga naririnig ko.
Nasasaktan ako sa mga sinasabi nila.
Was that for me?
I don't know, pero malakas talaga ang kutob ko na ako ang tinutukoy niya.
“To all the aspiring owners, designers, and CEOs that are here, the only advise that I could give to you all is find inspiration in every heartbreaks and downfall you had experienced. Treat those as your motivation to continue doing the things you desire and being someone you wants to be. Success is a journey so don't rush things. Turn your pain into your asset, and that would make you stronger,“ wika niya bago bumaba sa stage.
Umani naman iyon ng palakpakan mula sa mga tao. Many showed how they are impressed on how he delivered his speech. It's so powerful although it's really short.
I can't help but to be proud at him! Ex ko 'yan! Naging kami niyan!
Hell! What was that again, Ashie? Akala ko ba nakamove-on ka na?
Hayys, my marupok side is really annoying.
“Hija, it's nice to see you here!“ Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa likuran namin, pero hindi ko inaasahang mas magugulat ang katabi ko.
“Ayy, susko santisima!“ wika ni Grace sa sobrang gulat.
Napatawa naman ang lalaki.
Ohh, it's tito Franco; Kaldrin's dad.
“Oh, I'm sorry to scare yo two,“ wika niya habang medyo matagal na nakatingin kay Grace na parang kinikilala kung nakita na
niya ito.
“Miss, you look familliar, have we met before?“ tanong ni tito kay Grace na labis kong ikinagulat.
I mean, how in the world does tito know Grace?
“Uhmm, hindi! Hindi niyo po ako kilala! Namamalikmata lang po kayo! Hindi po ako ang babaeng iyon!“ walang prenong sabi ni Grace.
Napangiti naman si tito.
“Now, I'm more positive that it's you. How are you, hija? Bakit hindi mo na dinadalaw ang anak ko?“ tanong ni tito Franco.
“Ahh, ano po... Uhmm... B-Busy na po kasi ako eh, tapos maraming inaasikaso!“ depensa niya.
Napatango-tango naman si tito.
Gosh! Am I invisible? Bakit hindi ako makarelate?
I cleared my throat intentionally noong wala nang nagsasalita.
Gracia Amor, marami kang ipapaliwanag sa akin mamaya.
“Uhmm, so how's States, tito?“ tanong ko para ibahin ang usapan.
Well, mahigit 6 years na kasi sila roon. Akala ko nga sa States na sila titira.
“Well, maayos naman ang naging buhay namin sa States. Nandito lang ako para umattend sa event na 'to since it's very important lalong lalo na sa tita Heaven mo,“ wika ni tito sa malungkot na boses. Ahh, I miss tita Heaven!