CHAPTER 1
SIMULA
"Sab! Sab!" Pasigaw na tawag ng kaibigan kong si Rita mula sa labas ng bahay namin.
"Bakit kaba sumisigaw?" Bungad ko dito ng makalabas ng bahay.
"Gaga! Hindi mo pa ba natitignan ang result sa mga Examinice ng Full Scholar sa EU?" Naeexcite nitong tanong na kina gulat ko.
"May result na?" Maligalig na tanong ko na agad niyang tinanguan ng sunud sunod.
"Oo! Kaya nga nandito ako para i congratulate ka. Girl! I'm so proud of you!" Histeryang sabi nito na halatang masayang masaya sa binabalita.
"W-what do you mean?" Slow kong tanong, Hindi agad nakahuma sa gusto nitong iparating.
"Ay Gaga talaga! Ikaw ang nakakuha ng Scholarship! Top 1 ka sa 3,000 plus na eximinice!" Sabi nito na tuluyan kong natanto at napatalon sa sobrang tuwa.
"Gosh! Ang saya ko! Magandang balita ito." Tuwang tuwa kong sabi sabay pasok sa bahay namin at hinanap si Mama.
"Ma! Ma!" Masayang tawag ko dito kaya napalabas siya sa kusina ng di oras.
"Oh Sabrina! Ano ba iyon at kailangan pang sumigaw?" Alalang sabi ni Mama pero imbis na sagutin ito ay niyakap ko siya ng mahigpit at nakangiti ko siyang tiningala.
"Napapano kabang bata ka?" Nawiwirduhan na talagang tanong ni Mama dahil para akong baliw na ngingiti pero nangingilid ang luha ko dahil sa tuwa.
"Ma! Nakuha ko po yung Scholarship sa maynila" Maiiyak ko nang sabi pero di parin maalis ang ngiti sa mukha ko.
"T-talaga?" Gulat nitong tanong na agad kong tinanguan.
"Opo Ma! Makakapasok na ako sa pristihiyosong paaralan sa maynila at matutupad na lahat ng pangarap ko, Natin" Masayang sabi ko dito at bumuhos na ng tuluyan ang luha ko. Tears of Joy kung tawagin ng iba.
"Naku! Proud na proud ako sayo Anak. Masaya ako at matutupad mo na ang pangarap mo" Anito sa masayang tono ngunit naiyak na din.
Matapos ang Drama namin iyon ni Mama ay masaya itong ibinalita sa mga kapitbahay namin at malalapit nyang kaibigan at kamag anak. Tuwang tuwa din ang iba ko pang kaibigan at mga naging guro ko sa highschool. Proud daw ang mga ito at deserve ko daw iyon dahil sa talino at pagpupursigi ko.
Ibinalita din ng kapitan namin na siya na ang sasagot sa pamasahe ko papuntang Maynila kayo lalo akong natuwa dahil malaking bagay iyon para sakin, Saamin ni Mama.
Sa makalawa na ang luwas ko ngunit heto parin kami ni Mama, hindi makapag desisyon sa mga gamit na dadalhin ko. Ang dami kaseng gustong ipadala sakin ni Mama na animoy wala ng balak akong pauwiin dito. Ipinilit ko naman na pwede na ang isang maleta at isang hand carry na bag ngunit mapilit si Mama, Kesyo kakailanganin ko daw ang lahat ng iyon dahil nga ako nalang mag isa doon at wala daw siya sa tabi ko para pahahalaanin ako.
Ako nga pala si Sabrina Montes, 20 years old at ng iisang anak ni Sonia Montes. Wala akong kinagisnang Ama dahil matapos mabuntis ng tatay kong foreigner ang Mama ko ay hindi na ito nagpakita sakanya. Saamin to be exact.
Hindi sa pagyayabang pero Maganda ako dahil nga may ibang lahi. Sabi ni Mama ay kamukha ko daw ang Tatay ko magmula sa kulay berdeng mga mata, matangos na ilong at makinis at maputing balat. Minsan nga ay napagkakamalan na ampon ako ni Mama dahil wala daw ako halos namana kay Mama. Tanging ugali lang daw ni Mama ang namana ko. Kung hindi mabuti ay Marupok daw at aminado ako doon.
Minsan na kase akong nabaliw sa pag ibig ngunit nauntog din ng marealize na tangin talino ko lang ang habol ng huli kong karelasyon na si Ryzen Enriquez. Ginamit nito ang talino ko para makapasa ito sa huling baitang ng highschool, dalawang beses na kase itong bumagsak at nagpa balik balik sa 4th year kaya ang ginawa nya ay niligawan nya ako at saakin pinaako ang lahat ng homeworks, projects at kung anu ano pang extra curicuilum.
Matagal ng sinasabi ni Rita sakin na niloloko lang ako ni Ryzen at ginagamit lang ngunit dahil mahal ko nga ito ay hindi ko pinaniwalaan ang mga sinasabi ng matalik kong kaibigan. Kung hindi pa nadulas ito sa sarili nyang bibig ay hindi ako matatauhan sa mga pinaggagawa nyang panggamit sakin.
"Hays! he's a waist of time! Kaya wag na natin syang pag usapan okay!?"
~~~
Dumating ang araw ng pag alis ko papuntang Maynila. Halos lahat ng kapitbahay namin na malapit saamin ay pinabaunan ako ng kung anu ano na kina tuwa namin ni Mama. Mababait ang mga kapitbahay namin may samahan kami na wala sa ibang lugar. Walang inggitan, walang lamangan at higit sa lahat ay may pagkakaisa.
"Mag iingat ka doon Sab" Bilin ni Aling Nora, isa sa mga kapitbahay namin.
"Madaming loko loko doon kaya ikaw, Dorm at skwelahan ka lang ah?" Si Tiyo Serio. Kapatid ni Mama
"Opo tiyo" Naka ngiti kong sabi dito
"O siya! Tara na at baka maiwan ka ng barko at di kapa makaalis" Yaya na ni Mama saka na ito sumakay sa tricycle inarkila nito patungo sa piyer.
"Mauuna na po ako. Maraming salamat po sainyong lahat" Paalam ko sa mga taong nandito ngayon sa harapan ng bahay namin para magpaalam saakin.
"Sige na Sab. Maiingat ka ah. Paalam" Si Rita na umiiyak na ngayon saka ito yumakap sakin ng mahigpit na ginawa ko din.
Pagsakay ko ng tricycle ay mabilis na pinaharurot ni Mang Tino ito at kalahating oras din ang binyahe namin bago namin narating ang piyer.
Matapos maibaba ni Mang Tino lahat ng bagahe ko ay iniwan muna kami ni Mama para makapag paalaman sa isa't isa.
"Mag iingat ka doon anak ah? Yung mga bilin ko wag mong kalilimutan" Umiiyak ng sabi ni Mama kaya niyakap ko ito ng mahigpit at tumango tango bilang sagot sa mga sinabi nya.
"Opo Ma. Ikaw din ah? Wag kang magpapagod masyado dito. Yung mga gamot mo po?" Bilin ko din dito na tinanguan din nya kaya kumalas na ako sa pagyakap sakanya.
Dinig na namin ang pag tawag sa mga pasahero na paluwas ng maynila kaya nagpaalam na ako at sumakay na ng barko.
Sumilip pa ako ng minsan kay Mama bago ito tuluyang mawala sa paningin ko.
KAYA KO TO.... FIGHTING!