CHAPTER-6
L I T E R A L na nanlaki ang mga mata ko ng sabihin ni Trish ang solusyon na naisip nito. Hindi ako nakatulog dahil iniisip ko ang mga sinabi nya.
FLASHBACK:
"Join the Diamon Organisation and you'll get all there benifits even Money" Anito na parang proud sa mga pinagsasabi
Nakatanga lang ako habang nakatingin sakanya dahil hindi pa nag si-sink-in sa utak ko ang mga sinabi nya.
"Hey! Nandyan kapa ba?" Anito saka kinatok katok ang utak ko na animo'y inaalam kung may laman pa.
"Anong organisasyon yon?" Wala sa sariling tanong ko kaya ngumiti sya saka na ineksplika ang organisasyon na sinasabi nya.
"So heto na nga, pag sumali ka sa organisasyon lahat ng benifits ng nila ay makukuha mo, kasama na nga ang Pera, kapangyarihan at proteksyon. Lahat ng pangangailangan mo ay bibigay nila lalo na't magaling kang makisama"
Mahabang lintaya nito na kina buhay ng pag asa ko. May ganoong palang organisasyon? Ang pag kakaalam ko kase sa mga ganyan ay puro gulo, nakaka sira ng kinabukasan at kung anu ano pa na makaka sama sa isang tao pag sumali sa mga ganyan.
"Sige sasali ako. Paano ba sumali?" Pursigido kong sagot na kina ngiwi nya.
"Ayan ang badnews girl" Anito saka bumuntong hininga bago nito ipaliwanag ang badnews na sinasabi nya.
"Hindi kase basta basta ang pag pasok sa mga organisasyon, may mga tasks na dapat gawin at gagawin bago ka makakapasok sa organisasyon nila" Anito na kina kaba ko bigla
"Parang hazing?" Wala sa sarili kong tanong na agad nyang tinanguan.
"Hazing ang tawag ng iba pero iba ang saamin" Anito na may ngisi sa labi kaya medyo napalunok ako dahil sa inakto nya.
"Ano?" Kinakabahan kong tanong.
"INITIATION ang tawag namin doon" Sagot nito na kina nuot ng noo ko.
"INITIATION? diba meaning non ay Pagtanggap sa bagong kasapi? Ano naman ang gagawin doon?" Nagtataka kong tanong kaya nag seryoso syang muli.
"May ipapagawa sila sayo na never mo pang nagawa sa tanang buhay mo kaya nasa saiyo na iyon kung tutuloy ka o hindi" Paliwanag nito na kina tango tango ko dahil medyo naiintidihan ko na ang gusto nyang sabihin.
"Kasali kana ba don?" Tanong ko na agad nyang tinanguan.
"Oo. Kaya kahit anong kabulastugan ang gawin ko ay hindi ako ginagalaw ng iba dito dahil may kapit ako" Sagot nito na kina mangha ko
"Ano naman ang naging Initiation mo?" Wala sa sariling tanong ko kaya napa ngisi nanaman ito ng nakaka diri parang alam ko na ang nasa utak nya pero gusto ko paring malaman para magka ideya ako pag ako na ang gagawa
"I've f**k a five man with a proof" ngisi nitong sabi na kina laglag ng panga ko.
L I T E R A L NA NGA NGA!
END OF FLACHBACK:
Tumayo ako sa kama ng wala sa sarili. Naligo ako ng wala sa sarili at kumain ako ng wala sa sarili. As in WALA SA SARILI dahil sa mga napag usapan namin ni Trisha kagabi.
Tulala akong naglakad sa hallway patungo sa building ng Medicine. Hindi talaga mawala sa isip ko ang mga napag usapan namin ni Trisha kagabi.
"kaya ko ba yung Initiation?" Bulong ng isip ko na lalong nagpa gulo ng lahat.
Saktong iaapak kona sa hagdan ang isa kong paa ng marinig kong mag ring ang cellphone ko na nasa bulsa ng white gown ko.
MAMA CALLING....
"Hello?" Sagot ko.
"Sab iha?" Si Tyong Serio nanaman ang sumagot.
"May problema po ba Tyong?" Tanong ko saka na nagpatuloy sa pag akyat ng hagdan.
"Inatake nanaman kase ang mama mo kanina iha" Anito sa malungkot at parang umiiyak na tono.
"Ano ho? Kumusta na ho? Okay na po ba siya?" Natitigilan at sunod sunod kong sabi
"Kailangan na daw talagang ma operahan ang Mama mo iha" Anito kaya bumagsak nanaman ang luha ko.
"May heartdonor na daw ang Mama mo Iha, operasyon nalang daw ang kailangan" Patuloy nitong sabi kaya may nabuo na sa isip ko at desidido na ako doon.
"Ipa opera nyo na siya Tyong. Magpapadala ako mamaya ng pang down" Sagot ko dito saka na nagpaalam.
Nalate ako ng limang minuto sa unang klase kaya todo kung maka hingi ako ng tawad sa professor namin.
Nang makaupo ako sa tabi ni Zaijan ay may narinig akong binulong ang isa ko pang katabi ngunit di ako sigurado kung para saakin ba iyon o sa iba.
"Porke matalino, magpapaka VIP na?" Bulong nito pero hindi ko nalang siya pinansin.
Nagpatuloy na ang klase at nakakasunod naman ulit ako kahit na minsan, o madalas na lumilipad ang isip ko dahil inaalala ko si Mama.
Natapos ang dalawang subject ko ng tahimik, hindi din ako sumasagot sa mga tanong ng prof namin habang nagdi discuss ang mga ito. Hindi sa hindi ko alam ang mga sagot dahil lutang lang talaga ang isip ko.
Nasa canteen ako ngayon at mag isang kumakain. As usual kahit sa pagkain ay lutang paring ako kaya hindi ko namalayan na may magandang dilag na pala ang umupo sa harapan ko.
"Are you Sabrina Montes?" Tanong nito sa napaka social na tono.
"Yes po. How may i help you Ms?" Sagot ko saka ko inaalam kung ano ang pangalan nya dahil ngayon ko palang siya nakita.
Hindi din kase sya mukhang estudyante dahil sa sexy nyang suot, kaya agaw pansin iyon ngayon dito sa canteen.
"I'm Heaven Sy, I'm here to talk some chitchats with you" Sagot nito na kina laglag ng panga ko.
Pinuntahan nya ako at nakipag kilala para makipag chismisan lang?
"You're Trisha's dorm mate Am i right?" Pagkuwan ay tanong nito ng matigilan sa sinabi nito kanina kaya nabalik ako sa ulirat ko saka ako tumango tango bilang sagot sa tanong nya.
"Kaibigan ka po ba nya?" Tanong ko din na tinawanan lang nya.
Baliw ba ito?
"Actually, I'm her mentor, and you! I will be also your mentor from now on" Sabi nito na kina noot ng noo ko.
"What do you mean" Takang tanong ko ngunit imbes na sagutin ako ay may kinuha itong bagay sa pouch nya saka iyon nilapag sa mesa, sa harapan ko.
Kaya kinuha ko iyon at binasa.
HEAVEN SY.
#.+63917*****00
ADD: **********
**********
Calling card yon kaya kunot noo nanaman akong tumingin sakanya na nakangisi na ding nakatitig sakin.
"I'll wait you at my Dorm after your class tonight. Okay?" Anito saka na tumayo
Tinignan pa nya muli ako bago siya nagpaalam. Ako naman parang tanga na nakatingin sa papalayo nyang bulto.
Pagkatapos kong kumain ay dumiretso ako sa EUH para sa subject ko kay Doc Chavez. Pag dating ko sa Nurses station para itanong sana si Doc kung nasaan sya ngunit inunahan na ako ng isa sa Nurse in Duty.
"Dra.Montes, deretso daw po kayo sa office ni Doc Chavez , bilin po nya" Anito na agad kong tinanguan.
Mabilis kong tinungo ang elevator para mapuntahan ang opisina nito. Habang hinihintay ang pagtunog ng elevator ay inilabas ko ang isang note ko para ireview ang isang major case na hawak ko ngayon para kung sakaling tanungin ako ni Doc Chavez ay may maisasagot ako.
Nang bumukas ang elevator sa palapag na pupuntahan ko ay lumabas na ako habang seryoso parin sa pagbabasa ng note ko. Hindi ko tuloy nakita o namalayan na may tao na pala sa harapan ko kaya bumangga ako sa likod nito.
"I'm sorry po" Paghingi ko ng paumanhin saka ako tumungo.
Humarap ito sa akin kaya nag taas ako ng tingin sakanya. Natigilan ako ng makita ko ang napaka gwapo nyang mukha.
"Naku! Umuulan ba ng magaganda't gwapo ngayon?" Bulong ng isip ko.
"Its okay Dra?" Anito na inaalam ang pangalan ko
"Montes.. Sabrina Montes po" Sagot ko sabay tungo muli
"Ow the Lucky and smart passer" Anito kaya napatingin muli ako sakanya na ngayon ay naka ngiti na sakin.
Magpapaalam na sana ako sakanya ng bigla ay lumabas si Doc Chavez sa opisina nito na nasa tapat lang pala namin.
"What are you doing here?" Anas ni Doc Chavez kaya napatingin kaming dalawa ng lalaking kausap ko sakanya.
Hindi ko matukoy kung ako ba o itong kasama ko ang sinabihan nya non kaya ako na ang sumagot.
"Ah Doc i thought you want me to go in your office?" Sagot ko kaya sinamaan nya ako ng tingin kaya napalunok ako.
"I'm not talking to you Ms.Montes" Seryosong sabi nito saka nya tinitigan ang katabi ko ng masama
"Oh relax James" Ngisi naman ng isa kaya napabaling ako ng tingin sakanya ngunit agad ding nag iwas ng tingin ng bigla ay kindatan nya ako na may kasamang ngisi sa labi.
Magpapa alam muna sana ako para makapag usap sila ng biglang magsalita si Doc Chavez.
"Go to my office now Ms.Montes, Mag uusap lang kami" Anito na agad kong tinanguan saka na lumapit sakanya.
Nang akmang pipihitin ko na ang dornub para makapasok ay natigilan ako ng magsalita muli yung isang lalake.
"Is she your new toy James?" Anito.
"Shup the f**k Jarred!" Singhal ni Doc Chavez saka ako hinarap at siya na ang nagbukas ng pinto para sakin at walang anu anoy tinulak ako papasok sa loob at sinarhan ng pinto.
Nagugulat ako sa mga ginawa nito. Oo sanay akong masungit at strikto si Doc ngunit ang maging marahas sya ay nakakagulat talaga.
Winaksi ko na sa isip ko ang inasta ni Doc at yung lalakeng kausap nya sa labas, kaya naupo na ako sa couch at sinimulan muli ang pag review sa major case na hawak ko.
Ilang minuto lang ang lumipas ay bumukas na ang pinto at pumasok si Doc Chavez na may maitim na awrang nakatitig sakin kaya kinabahan ako at napapalunok habang naglalakad ito papalapit sakin.
Hindi nito inalis ang tingin nya sakin hanggang sa maka upo sa kaharap kong upuan. Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita.
"Aren't you say something to me?" Seryoso nitong sabi na kina nuot ng noo ko.
"About what doc?" Takang tanong ko.
"About Last night? And what the hell are you want to say to Mr.Sanchez?" Anito kaya napa iwas ako ng tingin.
"It's none of your Bussiness Doc and it's confidential" Sagot ko dito kata natawa siya ng bahagya.
"So your telling that you are really one of he's toy huh?" Anito na may ngisi sa mga labi.
"What are you talking about Doc.?" Naguguluhan kong tanong di ko talaga alam ang gusto nyang ipunto.
"All the girls who come to he's unit in the middle of the night is called HE'S TOY Ms.Montes. Nasan naba ang utak mo? Akala ko ba ay matalino ka?" Galit at inis nitong sabi kaya napa tanga ako.
"Kung katulad ka lang naman pala ng ibang babae dyan ay bakit kay Mr.Sanchez kapa lumalapit? Nandito naman ako" Patuloy nito na lalong kina gulat ko.
Hindi ako nakasagot sa mga pinagsasabi nya, Ayaw mag sink in sa utak ko ang mga pinagsasabi nya kaya hindi ako nakapag salita.
"So tell me Sabrina? Whats that important matter that you want to say to him? Maybe i can do it too for you" Anas nanaman nito kaya tumulo na ang luha ko.
Unti unti ng pumapasok sa utak ko ang mga salitang sinasabi nya.
Iniisip ba nya na pakawala akong babae? Nakaya pumunta ako sa unit ni Mr.Sanchez ay magpapa ANO ako dito para lang ma ease ang init ng katawan ko.
"Why are you crying? Kase hindi natuloy ang gusto mong gawin kagabi ? Am i right?" ngisi nitong sabi kaya napatayo na ako sa kina uupuan ko at aalis na sana ng bigla ay hilain nya ako sa braso at walang anu anoy sinunggaban nya ako ng halik sa labi.
Natulos ako sa kinatatayuan ko dahil sa magkadampi naming mga labi. May kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko dahil lang sa halik nya sakin.
Nang hindi ako tumugon sa halik nya ay ibinaba nya ang halik sa may leeg ko kaya natauhan ako sa nangyayari at pwersahan ko siyang itinulak na kina bigla at gulat nya.
Magsasalita na sana sya ng bigla ay sampalin ko sya ng malakas saka ko sya minura.
"f**k you James Chavez!" Singhal ko sakanya saka ko hinarap ang middle finger ko sa mukha nya saka na ako patakbong lumabas ng office nya.