CHAPTER-21 "Are you really crazy Sab?" Galit na tanong ni Juancho sakin ng sabihin ko dito na aalis ako para pumunta sa location kung saan gaganapin ang Initiation ko para maging ganap na myembro ng Diamon Org. "Last na ito please. After this magpapakalayo na ako" Pagmamakaawa kong sabi sakanya ngunit matigas ang pag iling nito ng pagtutol. May kung ano sakin na gustong tumuloy sa hindi ko malaman na dahilan. Simula ng makita ko ang mukha ng Leader ng Diamon Organisation ay hindi na ako nakakatulog ng maayos at lagi kong nakikita ang mukha nito kapag pumipikit ako. "I'll call James to please you not to go" Pagkuwan ay sabi ni Juancho at agad nitong kinuha ang phone nya na nakapatong sa mesa dito sa office nya. "Don't! Last na talaga ito please. May gusto lang akong makumpirma" Pagpigi

