Bahagyang napaatras si Briar nang makita na may tao sa gilid ng silid kung saan nagkaklase ang kanyang Kuya Benedict. Madalas siyang tumambay doon dahil kitang-kita niya mula sa malaking bintana ang lecture tungkol sa pagnenegosyo na pinag-aaralan ng kanyang Kuya. Hindi naman ito nag-aaral nang maigi kaya hindi niya maintindihan kung bakit patuloy pa rin itong pinag-aaral ng kanyang ama. Mahal ang tuition fee ng kanyang kuya kumpara sa kanya kaya naman minsan ay naiinis siya sa nakatatanda niyang kapatid.
Nakayukyok ang lalaki sa gilid, tila hindi makahinga nang maayos. Kaagad niya itong dinaluhan. “Mister! Ayos ka lang ba?”
Napapitlag ito nang maramdaman ang kanyang kamay na lumapat sa likod nito. Ngunit kaagad naman iyong nawaksi nang muli itong makaramdam ng paninikip ng dibdib nito. Naalala niyang may itinatabi siyang paper bag sa kanyang backpack kaya naman kinuha niya kaagad iyon at tinulungan ang lalaki na huminga roon habang marahang tinatapik ang likod nito.
Nang mahimasmasan ay naupo ito sa lapag, nakayuko pa rin. Hindi na niya magawa pang bumalik sa panonood ng lecture sa loob ng silid. Hindi niya mapigilang mag-alala para sa lalaki dahil halos magkulay-asul na ang mukha nito kanina kaya naman nakiupo na rin siya sa tabi nito.
“Nag-aaral ka ba rito?” Hindi ito umimik. Ngunit mayamaya ay tumango ito. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. “Pareho pala kayo ng kuya ko… Pero hindi siya nagseseryoso, e. Nagbubulakbol ka rin siguro, ‘no?” pagbibiro niya.
“Hindi… ko kayang humarap sa maraming tao,” mahinang sagot nito sa kanya.
Napatango-tango siya. Hindi gumagalaw ang lalaki mula sa pagkakaupo nito kaya naman hindi rin siya umalis. Tsaka niya napansin ang binti nito. May bakal na nakakabit sa isang binti nito dahilan para hindi nito iyon maitiklop. Sa kuryosidad ay umusog siya papalapit sa lalaki at hinawakan ang binti nito. “Masakit ba?”
Hindi siya nakakuha ng tugon. Bagkus ay sinalubong siya ng mga singkit na matang nakatago sa ilalim ng makapal na salamin. Tila ba namamangha. Kaagad itong nag-iwas ng tingin at namumulang napakamot ng batok. Iniusog nito ang binti nito papalayo sa kanya. “Hindi… ka ba nahihiya na nakikipag-usap ka sa pilay?”
Mahina siyang natawa bago sumalampak muli sa tabi nito. “Mister, bakit naman ako mahihiya? Tao ka rin naman. Wala naman akong pakialam kung pilay ka o hindi.”
Bago ito makapagsalita ay tumunog na ang bell ng paaralan, hudyat na tapos na ang klase. Kaagad siyang napatayo sa pagmamadali at kaba na baka malaman ng kuya niya na nagpupunta siya sa business school, isang bagay na ipinagbawal ng kanyang ama. Nilingon niya ito at kinawayan. “Pa’no, una na ‘ko! Kita ulit tayo bukas!”
Sumunod na araw, napangiti siya nang makita itong nakasalampak ulit sa lugar kung saan sila unang nagkita. Maaga silang di-nis-miss ng kanilang guro kaya naman hindi niya na nakain ang baon niya at maaga siyang makakauwi. Maligaya siyang naglakad patungo sa tabi nito at sumalampak roon. Hindi naman ito umiimik at patuloy lang na nagbabasa ng isang business-related na magazine. Sinilip niya ang binabasa nito bago mahinang tumawa.
“Kumain ka na ba, Mister? Gusto mo hati tayo sa baon ko?”
Namumula ang pisngi na umusog ito papalayo. “Baka… kulang pa sa ‘yo ang baon mo.”
Pabiro niya itong inirapan. “Sinasabi mo ba na matakaw ako?”
Hindi ito nagsalita ngunit gumalaw ang gilid ng mga labi nito na tila ba nagpipigil ng ngiti. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Inilabas niya ang baunan niya at binuksan iyon. Tapa, hotdog, at kanin. Siguro ay tira-tira na lamang iyon mula sa agahan nila. Ang Kuya Benedict niya na lamang kasi ang nilulutuan ng espesyal na baon ng mga maid, utos na rin ng kanyang ama. Kaya naman nagtitiis na lamang siya sa mga tira-tira.
Pilit niyang itinago ang lungkot sa kanyang mga mata at ngumiti. Ibinigay niya ang kutsara sa lalaki habang ang tinidor naman sa kanya. “Kain ka na! Pasensya na at malamig na baon ko, kanina pang umaga ‘yan, e…”
“Sa...salamat…” mahinang tugon nito bago inumpisahang kainin ang baon niya. Naliligayahan na sinaluhan niya na rin ito sa pagkain. Pasulyap-sulyap siya sa kanyang kaharap. May kahabaan ang buhok nito at may suot na makakapal na salamin. Kung hindi lang ito nagsasalita ng Filipino ay mapagkakamalan niya itong Koreano katulad ng mga lumalabas sa telebisyon. Nang mapansin nito na nakatitig siya ay napatigil ito sa pagkain. “May dumi ba ako sa mukha?”
Mahina siyang tumawa. “Alam mo, guwapo ka pala… Mukha kang Koreano.”
Bahagya itong napasimangot. “Intsik ako, hindi Koreano.”
Nanlaki ang kanyang mga mata at kaagad na napayuko dahil sa hiya. Napakamot ng batok si Briar. “Ay, sorry… Na-offend ba kita?”
Mahina itong tumawa at umiling. “Ayos… ayos lang… Hindi naman big deal.”
Napangiti siya. “And you look better if you’re smiling and laughing,” dugtong niya. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. “Oo nga pala, Briar pangalan ko.”
Iniabot niya ang kamay niya sa lalaki ngunit tinitigan lamang nito iyon. Tila nagulat sa kanyang ginawa. Kaagad niya iyong binawi at napakamot ng ulo. “E ikaw, anong--”
“Briar means thorny bushes, or rose,” saad nito. “That’s quite… a beautiful name. Like you,” namumulang dugtong pa nito. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi nang sabihin nito ang mga katagang iyon. No one has ever told her she was beautiful. He was the first one. Bumuka ang kanyang bibig upang tanungin kung ano ang pangalan nito ngunit naunahan na siya ng lalaki. “My name means… building the universe. And it’s… kind of boring. You can call me Yu.”
Mahina siyang natawa. “Maganda naman ibig sabihin ng pangalan mo, a.” Ngumiti siya. “Yu…”
Natapos nila ang kanilang pagkain na hindi na muli pang nag-imikan. Pansin niya ang pamumula ng mukha ni Yu. At magsisinungaling siya kung sasabihin niya na hindi nag-iinit ang kanyang mga pisngi sa tuwing naaalala ang mga sinabi nito kani-kanina lamang.
Halos dalawang linggo rin silang nagkausap ng lalaking iyon. Nalaman niya na bente-singko na ito at kumukuha na lamang ng master’s degree katulad ng kanyang kapatid. Marami rin siyang natutunan sa lalaki tungkol sa pagnenegosyo. He made her feel… at ease.
Within that two weeks’ time, they have developed a special bond with each other. Marami silang mga hilig na pareho nilang ginagawa at mabilis niyang nakapalagayan ito ng loob. Hindi nga lang ito masyadong nagkukuwento tungkol sa personal na buhay nito. Ganoon din naman siya. Ang tanging alam niya lang, wala pa itong asawa.
“Kung twenty-five ka na, bakit hindi ka pa nag-aasawa?”
Tumawa si Yu at sinara ang librong binabasa nito. “Briar Victoria, when did my marital status become an issue to you?”
Namumula ang pisngi na nag-iwas siya ng tingin nang makita ang pilyong ngisi na naglalaro sa mga labi nito. “Wa-wala ‘no! Curious lang ako…”
Mas lalo itong tumawa. “I haven’t found a suitable wife yet.”
“W-well…” nauutal niyang panimula. “Ano bang… gusto mo sa babae? Baka may maireto ako.”
Yu shrugged. “Matalino. Tsaka mabait at maalaga. At mahilig din sa business.”
“Pasok naman ako sa lahat ng mga criteria mo, a. Bakit hindi na lang ako?” pabulong niyang saad.
Sa kasamaang-palad, narinig yata ng lalaki ang kanyang mga sinabi. Nagkibit-balikat ito. “May nakita naman na ako. Kaso… masyado pa siyang bata. I mean, she’s just seventeen… I don’t want to ruin her bright future.”
Napalunok siya nang marinig iyon. “Kung… tatanda ba siya at… dadating sa panahon na puwede mo nang pakasalan, gagawin mo?”
He smiled before putting a hair clip designed with a rose adorned with diamonds on her hair. “Why not? I would definitely look for her just to marry her and be my wife… Kapag tama na ang panahon.”
Sandaling naghinang ang kanilang mga mata. Bahagyang umawang ang kanyang mga labi nang mapagmasdan ang itim na itim na mga mata nito ngunit kaagad din siya nitong binitawan at pabirong kinurot ang kanyang pisngi. “Yu…”
“She’s just seventeen. A minor. I don’t want to take advantage of her innocence. I can always wait for her. I can always wait until she’s ready to marry me.”
Ngumiti siya at hinaplos ang hair clip na ikinabit nito sa kanyang buhok. “Huwag kang mag-alala, alam ko naman na magiging handa rin siya. Sino ba namang hindi magmamahal sa ‘yo, Yu?”
She knew that Yu was talking about her. And she was ecstatic. She even looked forward to the next day that they would meet. Sa loob ng dalawang linggo na nagkasama sila at nagkausap ay hindi napigilan ng kanyang murang puso na… mahulog sa lalaki.
Only that the next day, he disappeared. Without even telling her where he went or what he was up to. He just disappeared.
Along with his promise of marriage.
“Are you waiting for Yu? Wala na siya, nag-drop.” Napalingon siya sa lalaking nagsalita. May hawak itong malaking bouquet na puno ng mga mapupulang rosas.
“I--”
Iniabot nito ang bouquet sa kanya, tila nahihiya pa. “I’m… Andrew. Andrew Suarez. Roses for you, Miss--”
“Briar…” mahina niyan saad bago kinuha ang mga rosas.
Strange, it was. But the roses reminded her of Yu.