“Good morning…” Napadilat si Briar sa masuyong tinig na kanyang narinig. Nang magmulat ang kanyang mga mata ay kaagad siyang sinalubong ng itim na itim na mga mata ni Jian. May nahihiyang ngiti na nakapinta sa mga labi nito habang patagilid na nakahiga sa kama. Bagman nais niyang iiwas ang tingin niya sa lalaki ay hindi niya magawa. May tila magnetong nakakabit sa mga mata nitong umaakit sa kanya para titigan pa ito nang matagal. “Did you get a good night’s sleep?”
“Yeah…”
Strange, it was. Because he did not look like he was mad. He should be raging mad after learning that she was cheating on him but here he was, smiling sweetly at her. Cajoling her and treating her like a queen. With his shy yet sweet gestures, his grand gifts and… sincerity.
“You want to do something fun today? I took a day off of my duties in Paradiso,” he asked before gently brushing some loose strands of her hair away. Ngumiti ito. “We can go somewhere or… stay here. Your choice, Briar.”
“Ayokong lumabas.” Pilit niyang pinalamig ang kanyang tugon. Maski ang kanyang tinig. Ngunit tila hindi naman iyon inalintana ng lalaki. Bagkus ay mahina itong tumawa at nagpatuloy sa pagsuklay sa kanyang buhok.
“Okay…”
“Ji-jian…”
Parang nalunok niya ang kanyang dila nang mapagmasdan ang marahang pagbasa nito sa mga labi nito. Bumaba ang mga daliri ni Jianyu patungo sa kanyang baba. Pagkatapos ay dahan-dahan itong umusog papalapit sa kanya. Hindi maintindihan ni Briar ang kanyang sarili. Bakit ganito ang nararamdaman niya? Alam niyang mahal niya si Andrew ngunit may mahika sa mga labi at haplos ni Jian na humahatak sa kanya. Parang serbesa na unti-unti siyang nililiyo. At hindi niya namamalayan, magkalapat na ang kanilang mga labi. Malakas ang katawan ni Jianyu bagaman may pilay ang isang paa nito. Hindi naman siya nito kinubabawan ngunit ikinulong siya sa mga bisig nito para hindi siya makatakas. Ngunit sa sitwasyong ito, tila ayaw kumawala ng kanyang sariling katawan sa pagkakahawak nito sa kanya. Naghuhuramentado ang kanyang puso na tila nais kumawala mula sa kanyang dibdib. She felt… breathless. Breathless and powerless to fight his touch.
“Ah, s**t, my leg,” reklamo nito bago muling napatuwid mula sa pagkakahiga nito, sapo ang binti nitong may pilay. Napabangon naman siya at dinaluhan ang kanyang asawa na tila namimilipit. Siguro ay pinupulikat ito kaya naman tinulungan niya na ang lalaki. “I’m such a burden…”
Umiling siya. “You’re not.” Mabuti na lamang ay nagawa niyang itago ang pamumula ng kanyang pisngi habang marahang hinihilot ang binti ni Jian. Ramdam niya pa rin ang estrangherong damdaming namamayani sa kanyang dibdib. Hindi niya masawata ang malakas na kabog niyon bagaman sigurado siya na hindi niya mahal ang lalaki.
“Anyway, Briar…” Tumikhim ito. “Can you help me cook? I haven’t done that in a while…”
Tumango na lamang siya kahit na nais niyang takasan ang presensiya ni Jianyu. Para siyang masisiraan ng bait sa tuwing nagkakalapit silang dalawa. Hindi niya alam kung posible bang makaramdam ng ganoon sa lalaking hindi mo naman mahal. At kung sa panlabas na anyo lang naman ang dahilan, marami na rin siyang nakilalang guwapong mga lalaki. Ngunit namumukod-tangi si Jianyu. May… kakaiba sa lalaki na hindi niya maituro kung ano. At sa kasamaang-palad, may iba iyong epekto sa kanya.
“You’re quiet again,” may tampong puna nito. “I’m… trying to get to know you better… I’m sorry if I’m boring and--”
Pakiramdam niya ay umakto ang kanyang sariling katawan nang hindi man lang kinokontrol ng kanyang isipan nang hagkan niya ito sa labi para patahimikin. Nanlalaki ang mga mata nito ngunit mayamaya ay napapikit na rin ang lalaki at napahawak sa kanyang beywang. Muli itong humiga habang magkahinang ang kanilang mga labi. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang kilos ng sarili niyang katawan. Pakiramdam niya ay wala siya sa tamang pag-iisip. She was supposed to hate him and make his life miserable because he was a greedy asshole but here she was, kissing him…
“Briar…” he whispered. “Please, touch me…”
Spellbound. That was what she was at that moment. Parang may gayuma ang tinig ni Jianyu na dahilan para dalhin niya ang kanyang kamay sa loob ng suot nitong boxer shorts. He quivered as he felt her fingers do their own thing, massaging his throbbing length over and over. Nang mapagmasdan niya ang mga mata nito ay may paghihirap na nakapinta sa mga iyon, dahilan para pabilisin niya ang ritmo ng kanyang mga kamay. Naghahabol na ng hininga si Jian at ramdam niya naman ang pagsakit ng kanyang pampribadong parte. Hinawakan nito ang kamay niya st tinuruan kung paano niya ito dapat hawakan.
“I love you… Briar, I love you…”
Hindi siya umimik. Hindi niya na nagawa pa. Napasinghap siya nang maramdaman ang paglalaro ng palad nito sa kanyang katawan. Hinawakan siya nito katulad ng kung paano niya ito pinapaligaya noong mga sandaling iyon. She knew it was wrong for her part. It was unfair for Andrew and yet, she could not stop. Her body pleaded with her not to stop.
Naramdaman niya ang tila mahinang pagsabog ng punla nito sa kanyang kamay. Napangiwi si Jianyu nang ilabas niya ang kamay niya na nababalutan ng malagkit na likido. Bahagya itong napabangon at inabot ang box ng tissue na nasa gilid ng kama. “I-I’m sorry…”
“It’s alright, Mr. Lee,” saad niya bago kinuha ang tissue na nasa kamay nito at pinunasan ang kanyang palad. Tipid siyang ngumiti. “Ilang beses na rin naman na nating nagawa ‘to. I don’t see any reason why you should apologize. You’re my husband.”
Napakamot ito ng batok. Malungkot na ngumiti. “Well, I know things are tough on your part… Ayoko namang puwersahin ka na mahalin ako, Briar. Kaya kong maghintay hanggang sa handa ka na na maging asawa ko.”
Nang marinig niya ang mga katagang iyon ay tila may sumundot sa kahimay-himayan ng kanyang utak. She heard that before. She knew that too well. But when? Where? From… whom?