“Jian, ano ‘to?”
Mahinang natawa si Jian bago itinuro kay Briar ang upuan. Naupo ang babae sa harap niyon at pinagmasdan ang mga rekadong nakahain sa hapag. Sinamantala niya ang oras na nasa banyo ito at nag-aayos upang makababa at mahiram sandali ang kusina mula sa mga tauhan niya. Ngumiti lamang siya at isinuot muli ang apron bago hinarap ang kanyang asawa. “Hindi ba sabi ko magluluto ako?”
Briar sighed before standing up. “Baka mapaano ka pa, e. Hindi mo na lang iutos sa mga maid?”
Mas lalo siyang tumawa. “Briar Victoria, kaya nga ako hindi pumasok ngayon para makapagpakitang-gilas ako sa ‘yo. Tapos ngayon e gusto mo na iasa ko na lang sa mga maid ang pagluluto.”
Nag-iwas ito ng tingin at pinagdiskitahan ang carrots na nasa may tabi ng lababo. “Ayaw ko lang na mapaano ka, Jian. May problema ang isang binti mo, hindi ka makatayo nang maayos. Baka mamaya e maaksidente ka pa.”
He smiled before mixing the soup in the bowl. “It’s nice to know that you’re concerned about me.”
“I just don’t want the people of Paradiso to think that I’m a vile woman,” kontra nito.
Tahimik silang dalawa habang inaabala niya ang sarili niya sa pagluluto. Briar was passing some of the ingredients to him, while he happily hummed as he cooked food that he wanted her to taste. Kinakabahan man sa kakalabasan at lasa ng kanyang niluluto ay hindi pa rin siya nagpatinag at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.
“Muscle dystrophy.”
Nilingon niya ito. “Huh?”
“You have muscle dystrophy, right?” usisa nito. “Kaya kailangan mo ng tungkod.”
Malungkot siyang ngumiti. “Yes. Well, apparently, my deceased father, Chairman Lee, got the genes, and so did my mother. Kaya ako ipinanganak na mahina ang mga muscles sa isang binti. My relatives tried to send me to the hospital and get me some treatment but it was permanent, so…”
“Must have been hard,” mahinang komento nito habang hinihiwa ang spring onion na nasa harapan nito.
He shrugged. “I… I have gotten used to it. I got bullied but that was all in the past. Hindi naman na ako mahina kagaya noon. I’m the head of Paradiso, after all…”
Paradiso. Sometimes, people think that the owner of Paradiso was a scary, organized crime head like the Russian Krasnys and the Italian Berlusconis and Grimaldis. But they often get disappointed whenever they learn that the said notorious red-light district was headed by him, a nobody with a bad leg. He has always been mistaken as a pushover. Kaya hindi na rin sinubukan ni Jian na baguhin ang kanyang sarili. Nanatili siyang mahiyain at tahimik at tanging mga tauhan niya lamang ang nakakakilala sa kanya. But despite the fact that he ran a business like that, it could not be denied that he has helped countless needy people already. Marami na rin siyang kinupkop at binigyan ng trabaho sa Paradiso. Marami nang binigyan ng pagkakataon na makahanap ng mas magandang kinabukasan sa kanyang munting paraiso. Bagaman iyon lamang ang alam niyang paraan.
“Well, to be honest, when my father told me that I’m going to marry a Mr. Lee, I have already pictured you as an old man with a balding head and a lustful stare. At malaking tiyan,” pagbibiro nito. Malungkot itong ngumiti. “Who would have thought that… you’re the Young Master Lee my father was talking about?”
He smirked. “Well, sorry to disappoint you, but I’m not your triple M. Matandang mayaman na mamamatay na.”
Mahina itong tumawa. At sa sandaling iyon, pakiramdam ni Jian ay bahagya silang naging malapit sa isa’t isa. Na tila ba naging maayos ang kanilang relasyon at sa loob ng halos dalawang linggo nilang pagsasama ay nakapag-usap na rin sila nang matino bilang mag-asawa. Hindi gaanong malamig ang mga tugon nito at…
“Malapit nang masunog niluluto mo, Jianyu.”
Napapitlag siya at napatingin sa kanyang niluluto. Kaagad niyang hininaan ang apoy ng kalan at kinuha ang spring onions na hiniwa-hiwa nito. Inihalo niya iyon sa kanin ng pork chao fan. Pinanood siya ng kanyang asawa habang bahagya siyang natataranta sa kanyang ginagawa, may bahid ng pagkamangha sa mga titig nito. Namumula ang pisngi na nag-iwas siya ng tingin. “Sorry… I’m kind of distracted.”
Nasapo niya ang kanyang dibdib at napahawak siya sa kitchen counter nang makaramdam ng pagkahapo. Isa iyon sa mga epekto ng kanyang muscle dystrophy. Bahagyang mahina ang kanyang respiratory system at madalas ay may problema siya sa paghinga. Madali rin siyang mahapo kaya naman madalas ay nakaupo lamang siya sa opisina. Ganoon pa man, hindi siya hinahayaan ni Feng na mawalan ng ehersisyo kaya naman matipuno pa rin ang kanyang pangangatawan.
Napapalatak ito at bahagyang umusog papalapit sa kanya. Pumagitna si Briar sa kanya at sa kalan bago kinuha ang sandok mula sa kanyang mga kamay. “Ako na magtutuloy.”
“B-briar…” nauutal niyang anas sa pangalan nito nang maramdaman niya ang pagdikit ng malambot nitong balat sa kanyang katawan. Kaagad na nanigas ang kanyang mga kalamnan nang lingunin siya nito. Nakakunot ang noo na tila ba walang kaide-ideya sa sensasyong idiudulot ng presensiya nito sa kanya.
“Maupo ka na, ako na magtutuloy,” saad nito bago bumalik sa ginagawa nito. Napalunok siya at hinugot lahat ng lakas ng loob na mayroon siya at ipinulupot ang isa niyang braso sa beywang nito. Maliit lamang si Briar kumpara sa kanya at hanggang leeg niya lamang ang tangkad nito kaya naman hindi ito nakapiyok nang yakapin niya ang beywang nito. “J-jianyu…”
Ngumiti siya at sinamyo ang amoy ng shampoo na gamit nito. “Briar, alam kong… paulit-ulit ko na ‘tong sinasabi. Pero nanghihingi ako ng pagkakataon na patunayan sa ‘yo na maganda at malinis ang intensyon ko. Kung hindi mo pa ako kayang mahalin pabalik, ayos lang. Maghihintay ako. Kung hindi ka pa handa, kung may mahal ka pang iba, maghihintay ako. Hayaan mo lang ako. Hayaan mo lang ako na mahalin ka, Briar Victoria…”
“Kaya ko lang punan ang pangangailangan mo, Jianyu. Pero hindi ko kayang isuko ang puso ko sa ‘yo,” mahinang sagot nito sa kanya. “Alam mo ‘yan. Alam mo ‘yan simula pa noong ikinasal tayo.”
He sighed before kissing her hair. “At hindi kita pinipilit. Hindi kita minamadali. Kaya kong maging matiyaga. Kaya kong maghintay basta bigyan mo lang ako ng pagkakataon… ‘Yon lang ang hinihingi ko, Briar…”
Hindi ito umimik. Bagkus ay pinatay nito ang kalan. Hinawakan ang kanyang palad at pinadulas iyon sa ilalim ng suot nitong damit. Pinadama sa kanya ang bawat parte ng pagkatao nito. Bawat parte na bagaman alam niyang may karapatan siya na angkinin ay pagmamay-ari pa rin ng iba. Bawat parte nito na ninanais niyang… makuha.
“I am not a greedy man. Nor a pushy one. I know my boundaries but with you, I could not stop myself from trying… Briar… let me prove to you my love…”
Inilabas niya ang isang maliit na hair clip mula sa kanyang bulsa. Ang hair clip na kapares ng ibinigay niya rito limang taon na ang nakakaraan. Ikinabit niya iyon sa buhok ng kanyang asawa bago ito masuyong hinagkan sa noo. Hinaplos niya ang pisngi ni Briar habang mataman siya nitong pinagmamasdan.
“Jian…”
“I fulfilled my promise to you. No’ng sinabi ko na papakasalan kita, ginawa ko. Hindi ko binali ang pangako ko,” nakangiting saad niya.
Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo nito. “What are you talking about?”
“Five year, Briar. We met five years ago, don’t you remember?” nananabik na paalala niya.
Umiling ito. “What are you talking about, Jian?”
Kumupas ang ngiti sa kanyang mga labi. Kung ganoon ay… hindi pala nito naaalala ang lahat. Maski na ang unang pagkikita nila at ang bungkos ng rosas na ibinigay niya sa dalaga noong araw na mag-dropout siya. Pinaabot niya pa nga iyon sa isa sa mga naging kaklase niya, kung hindi siya nagkakamali. Ngunit hindi niya na iyon inalintana. Kailangan niya munang makuha ang puso at pag-ibig nito. At kapag nangyari na iyon, tsaka niya ipapaalala ang lahat. Kapag handa na itong makinig. Kapag handa na ito na mahalin siya.
“I’ll… tell you when you’re ready to love me.”