“Good evening, my wife!” masiglang bati ni Jian nang makapasok sa loob ng study room ng kanyang mansyon. Inabutan niya roon si Briar na nagbabasa-basa ng ilan sa mga librong naroroon, karamihan ay tungkol sa pagnenegosyo. Sandali lamang itong nag-angat ng tingin bago muling bumalik sa binabasa nito. Naglakad siya papalapit sa kanyang asawa at sinilip ang pahina na binabasa nito.
“You’re early,” maikling saad nito na ikinatawa niya.
“Wala nang gagawin sa opisina, at kaya naman na ng mga tauhan ko at ni Feng na asikasuhin ang mga naiwang trabaho. I’m in no good shape to fight troublemakers in Paradiso, anyway. Baka makadagdag lang ako sa casualties.”
Sandali silang natahimik. Hindi naman mapakali si Jian. Balak niya kasi sana itong ayain na gumala ngayong gabi. Unwind, kumbaga. Tutal ay palagi namang nire-report ni Feng sa kanya at ng mga tauhan niya na hindi na ito lumalabas ng mansyon at ng Paradiso simula noong nabuking niya ito na may ugnayan pa rin sa Andrew na iyon. Ayaw niya naman na maramdaman nito na nais niya itong ikulong at tanggalan ng kalayaan kaya niya ito pinakasalan. Baka mas lalo lamang sumama ang tingin nito sa kanya.
“Do you need anything? Kanina ka pa nakatitig sa ‘kin, Jian.”
Kabado ang tawa na lumabas mula sa kanyang mga labi. “Err, well, do you want to go for a night drive? Puwede tayong sumakay sa limousine… or sa convertible, kahit saan…” Sinulyapan siya nito na tila ba naguguluhan sa kanyang tanong. Pilit niyang itinago ang pamumula ng kanyang pisngi. Napakamot siya ng batok. “Well, Feng told me that you rarely go out… so… I was just thinking…”
Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga at inilapag ang librong binabasa nito. Inipitan iyon ng bookmark ni Briar bago tumayo. “Alright, wait for me. Mag-aayos lang ako.”
Nang tuluyang makalabas ng silid si Briar ay nananabik na napasuntok sa hangin si Jian. Alam niya na malayo-layo pa ang tatakbuhin ng kanyang panliligaw ngunit ngayon ay sigurado na siya na may kinapupuntahan iyon. Hindi na masyadong malamig ang pakikitungo ni Briar sa kanya at hindi na rin ito bayolente o masungit. Bagaman hindi niya pa rin nakikita ang mga ngiti sa labi nito. Pero mas maigi na ang sitwasyon niya ngayon kaysa sa wala, hindi ba?
Tinawagan niya ang driver ng limo dahil nasa Paradiso pa si Feng at pansamantalang humahalili sa kanya.
Naghintay siya sa may sasakyan. At nang makita niya ang pigura ng kanyang asawa na papalabas mula sa mansyon ay hindi niya napigilan ang kanyang sarili na… mapanganga. She was just wearing a simple purple A-line dress, stilettos, and a pair of diamond earrings. Briar’s simplicity was her strongest asset, after all. Kahit na hindi ito maglagay ng makapal na kolorete o maraming alahas ay iba pa rin ang dating nito sa kanya. Kunsabagay, alam niya naman sa sarili niya na hindi siya ang tipo ng lalaki na mahilig tumingin sa panlabas na anyo. Ayaw niya sa mga babaeng may makakapal na makeup sa mukha o iyong mga masyadong magagarbo kung manamit. And Briar was just… perfect to his eyes.
Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa kanyang asawa at inilahad ang kamay niya rito. Pinaunalakan naman ito niyon at nang ibigay nito ang palad nito sa kanya ay hinagkan niya iyon. Ngumiti si Jian. “Shall we, my lady?”
Tumango ito at nagpahatak sa kanya. Pinauna niya ang kanyang asawa sa loob ng limousine at sumunod siya sa pagsakay. Nang makaayos ng upo ay sinenyasan niya ang driver na magmaneho na at dalhin sila sa isang lugar na alam niyang magugustuhan ng kanyang asawa.
“I… I am open to suggestions… Where do you want to eat our dinner?” pambabasag niya sa katahimikan.
Sandali siyang nilingon ng kanyang asawa bago muling tumungo. “I’m fine anywhere. Hindi naman ako maarte.”
Napatango-tango siya. It was not the response that he wanted but he did not want to push her. Tipid na lamang siyang ngumiti at ginagap ang kamay nito. “Noted, my lady…”
Nang muli niya itong tingnan ay eksaktong nakatingin din si Briar sa kanya. Ilang pulgada lamang ang pagitan nila sa isa’t isa. Napalunok si Jianyu. Her lips looked warm and inviting, as always. And he knew that with every second passing, his self-control was spiraling until he lost it…
Mahina siyang napaungol nang dalhin nito ang mga labi nito patungo sa kanya. Hindi nga nagkamali ang kanyang sapantaha. Mainit ang mga labi nito na siyang nag-umpisa ng apoy sa kanyang puso. Hindi niya napigilan ang sarili na sapuhin ang likuran ng ulo nito at mas idiin ang mga labi nito sa kanya. Tila isang batang maaagawan ng kendi si Jianyu noong mga oras na iyon. Hindi niya magawang huminto. At mas lalong tila walang balak na itigil ang lahat ng iyon ng kanyang asawa.
“Briar… we’re in the limo,” mahinang saad niya habang tinutugon ang mga maaalab nitong halik, Tila wala naman itong naririnig at patuloy lamang sa paghalik sa kanya. Ramdam ni Jianyu ang pagkagising ng bawat kahimay-himayan ng kanyang pagkatao. Lalo na nang maglandas ang mga kamay nito patungo sa kanyang polo at binuksan ang mga butones niyon. “Briar Victoria…”
“Don’t you want this, Jianyu?” mahinang tanong nito. Itinigil nito ang ginagawa nito sa kanya. “Hindi ba kaya mo ako sinusuyo ay dahil dito?”
“What?” he bewilderedly asked. “I’m not… I’m not just asking for s*x, Briar… I truly do love you…”
“You don’t have to deny it,” mahinang saad nito bago sumulyap sa limo driver. May
Harang sa pagitan ng mismong katawan ng limousine at sa driver’s seat kaya naman alam nila pareho na hindi alam ng driver kung ano ang ginagawa nila sa loob. Ngumisi ito nang nakakaloko bago pinadaan ang daliri nito sa kanyang crotch area. “You’re aroused…”
“You’re acting differently right now, my love,” nag-aalalang puna niya. “Are you alright?”
“Can’t I be a good wife to you now, Jianyu?” nakakaloko pa ring saad nito. “You wanted a good, loving wife. I am being one right now.”
Kung ano man ang nais nitong gawin, hindi hinayaan ni Jianyu na madarang siya sa panunukso nito. May mali. Bagaman mahal na mahal niya ang kanyang asawa ay hindi niya matanggap ang biglaang pagbabago nito. Hindi naman siguro masama kung magiging alisto at may pakiramdam siya, kahit minsan lang.
Briar ended up resting on his shoulder, their hands interlaced with each other. He prefered that over having s*x inside his limo. He was always a fan of intimacy, though the intimacy he has in his mind was plain and mundane. Not some wild and heated activity. He wanted everything to be calm and peaceful and something that they both could have when life would be shaking them up.
The dinner was a boring affair. Walang umiimik sa kanilang dalawa bagaman kapuna-puna ang bawat makahulugang tingin na iginagawad nito sa kanya. Tila ba nang-aakit. Mayamaya ay nagpaalam siya na magtutungo lamang sa banyo at lumabas sa VIP area na kanilang nirentahan. Nagtungo siya sa restroom at ginawa ang kanyang dapat na gawin bago dumiretso sa cashier at ibinili ng pagkain ang driver at si Feng, maliban sa pagbabayad ng kanilang bill.
Papasok na sana siya sa silid na kanilang nirentahan nang mauligan niya na tila may kausap ito sa telepono. Natulos sa kanyang kinatatayuan si Jianyu at natigilan sa akmang pagpasok nito sa loob ng silid. Nakinig.
“Andrew, hindi ba sabi ko mamaya ka na tumawag? I’m with Jianyu.” Sandali itong tumigil sa pagsasalita. “What the hell are you talking about? I’m trying to save our f*cking relationship, Andrew! Hindi naman ako nakikipaglandian lang! Ginagawa ko ang lahat para magkasama ulit tayo!” Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga. “Alam mo naman na mahal kita, hindi ba? Ikaw lang ang mahal ko, Drew…”
Humigpit ang kapit niya sa doorknob nang maramdaman niya ang paninikip ng kanyang dibdib. Strange, it was. Alam niya na uminom siya ng gamot at hindi naman siya nagpakapagod nang husto ngunit bakit parang pinipiga ang puso niya ngayon? Alam niya naman ang totoo. Alam niya at halata niya naman na may iba itong mahal ngunit bakit hindi pa rin niya mapigilan ang sarili niyang puso na masaktan sa tuwing sinasaktan siya ni Briar?
“You know I’ll never love him. Not in a million years.”