The tobacco was bitter. Jianyu knew that for a fact. But tonight, it seemed more bitter than before. Hindi niya alam kung mapait lang ba ang panlasa niya dahil sa mga gamot na iniinom niya, o dahil sa napapadalas na paghithit ng sigarilyo, o dahil sa… narinig niya. Kanina.
Hinayaan niyang masunog ang dulo ng sigarilyong kanyang hawak habang nakatitig sa mga rosas na nakatanim sa malawak niyang hardin. Mapupula ang mga iyon at matatayog dahil imported ang mga butong ipinatanim niya. Alam niya kasi na paborito iyon ni Briar at umasa siya na kahit papaano ay mapasaya ito ng mga rosas na iyon. Sandali siyang lumabas kanina mula sa kanilang silid habang mahimbing naman ang pagtulog ni Briar sa kama. Tila walang ginagawa na masama. Hindi niya alam kung bato na ba talaga ang puso nito para makaramdam ng kahit na kaunting awa man lang sa kanya o sadyang hindi na talaga ito nakakaramdam ng kahit na ano. Para sa kanya man o sa ibang taong sumira sa buhay nito.
Pinunit ng kanyang galit na sigaw ang katahimikan ng gabi habang binubunot ang mga tanim na rosas sa kanyang harapan. Ramdam niya ang bawat pagturok ng mga tinik niyon sa kanyang palad ngunit hindi niya iyon inalintana. Hindi iyon maikukumpara sa sakit na kinikimkim ng kanyang mahinang puso ngayon. Hindi iyon makakapantay sa sakit na nararanasan niya sa tuwing palihim o harapang ipinapakita ni Briar sa kanya na kahit kailan ay hindi siya nito magagawang mahalin.
“P*tang*na, Briar Victoria!” gigil na sigaw niya habang patuloy sa pagbunot sa mga halaman. Nagliparan ang mga pulang talulot ng mga iyon, kasama ang mga dahon at ilang patak ng dugo mula sa kanyang mga kamay. “Kulang pa ba, huh? Kulang pa ba ang ginagawa ko? Kulang pa ba lahat ng ‘yon para irespeto mo ‘ko? Mahal kita, e… Mahal na mahal kita… Huwag mo naman akong gaguhin… Huwag mo naman akong tarantaduhin…”
Ramdam niya ang pagtakas ng lakas sa kanyang mga binti nang mapasalampak siya sa batong daan ng kanyang hardin. The leaves and rose petals scattered around him, the cigarette that fell from his hand still burning. As if it was inviting him to smoke his pain away. Just like before. Just like whenever he stared at the kitchen knives in his home and thought of using them to end his pain. On how…
“Stop smoking, Jianyu. Ayokong maisugod ka na naman sa ICU,” saway ni Feng sa kanya. Naglakad ito papalapit sa kanya at inalalayan siya na makatayo. Pinaupo siya nito sa pinakamalapit na marmol na bench at pilit na pinakalma. “Jeez, man… Lagot ka sa landscaper mo, sinira mo ‘yong mga halaman…”
“Feng, did I make a mistake?” mahinang tanong niya habang sapo ang kanyang noo.
Hindi umimik si Xiao Feng. However, he took his hand and started treating the small wounds created by the petals. Tila ba ayaw nitong sagutin ang tanong niyang alam naman nila pareho ang sagot. The night fell silent again. Too silent for him to hear his own heart’s beating.
“You can go for an annulment, you know,” Feng suggested. “Don’t punish yourself like that, Jianyu… Alam kong hindi naging maganda ang buhay mo. I was there. We grew up together. Pero hangga’t hindi ka gumagawa ng aksyon para maayos ang sarili mo, para masolusyonan mga problema mo, walang mangyayari.”
“Is there something wrong with me, then?”
Feng sighed. “Masyado kang mabait. That’s all. You’re like a saint, even though you run a red-light district. Yu, kung hindi ka niya kayang mahalin, hayaan mo siya… May mali ka rin, bigla mo na lang siyang pinakasalan nang ‘di mo man lang nililinaw kung sino ka o kung anong pakay mo. Pero sobra naman na ‘yang ginagawa mo para makuha kapatawaran niya.”
“I just… I just wanted to be happy, Feng… Masama ba ‘yon? Simula pagkabata, palagi akong mag-isa… Ikaw lang ang kasama ko. Masama ba kung ngayon, hihilingin ko na sumaya naman?”
“Pero hindi na nga kasi healthy ‘yang ginagawa mo, Jian,” pangangaral nito sa kanya. “Look what you’ve done to your hand… Bumalik ka na naman sa paninigarilyo kahit na alam mo naman na mas lalong mapapasama ang baga mo sa nicotine. You stopped seeking therapy. You’ve been buying lots of alcohol, damn it! You’re destroying yourself over some girl who’s sleeping soundly, not giving you a f*ck…”
“I… I heard her talking to her boyfriend earlier,” he said. “Feng, t*ng*na, ramdam ko ‘yong panggagago niya…’’ Pagak siyang tumawa. “Akala ko pa naman, magiging maayos kami. Na maliligawan ko siya at makukuha ko loob niya… Ginawa ko lahat para matulungan siya, pero bakit ‘yong walang kuwentang lalaking ‘yon pa rin ang pinipili niya?”
Hindi sumagot si Feng. Isinara nito ang first-aid kit na hawak nito at sumulyap sa kanya. Pagkatapos ay sa mga rosas na nakakalat sa lapag. Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga. “Yu, there are things in this world that go beyond your power and money. Sure, you have done so many things for her. You constantly sent her flowers, chocolates… But the problem was, she did not know it was you. And you never took the initiative to introduce yourself. Syempre may makakaagaw sa puwestong gusto mo. Madali ka namang mahalin, e. Patunay kaming mga tauhan mo. Pero Jianyu, siya ang may ayaw na mahalin ka. Kahit na gaano ka pa kadali na mahalin, kung ayaw niya, wala kang magagawa.”
“Maybe I still can persuade her,” wala sa huwisyong saad niya. “I can still persuade her, right?”
Feng sighe before shaking his head. “Alam mo, dapat hindi kita tinulungang mag-propose ng kasunduan sa mga Mendez kung nalaman ko lang din na gan’yan ang kapapatunguhan ng buhay mo.” Tinapik nito ang kanyang balikat. “Matulog ka na, Jian. I’m sure you could think straight in the mornings.”
Iniabot nito ang tungkod niya at inalalayan siyang makatayo. Malamig na ang hangin dahil halos alas tres na ng madaling araw. Feng was silently walking beside him as he glanced again at the window of the master’s bedroom. Nakapatay ang ilaw niyon. Tanda na hindi man lang nagising ang kanyang asawa. O kung nagising man, wala itong pakialam kung saan siya nagtungo ng dis oras ng gabi.
“You know, Jianyu, if I am only allowed to slap your wife so that she could snap out of that bullshit she’s giving you, I would have done it,” seryosong saad ni Feng. “She’s being cruel to you. Even beyond.”
Umiling siya. “I don’t want to hurt her, Feng… Alam mo naman na hindi ako nananakit ng babae. Besides, she’s my wife. I would never and should never do that to her.”
“Konting pagpapakabait pa, papatayuan na kita ng rebulto,” pagbibiro nito na tila ba para mapagaan ang usapan. Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga. “What a saint…”
Mahina siyang tumawa sa pagbibiro ni Feng. Ayaw niya namang pag-alalahanin ito nang husto. Ilang beses na ba itong naabala sa tuwing nagkakaaberya siya? Si Feng ang nagsusugod sa kanya sa ospital noon sa tuwing hindi siya nakakahinga o may… ginawa siyang masama sa sarili niya. Hindi niya ito masisisi kung sobra ang pag-aalala nito sa kanya ngayong tila bumabalik na naman ang mga dati niyang nakagawian.
Nang makapasok siya sa loob ng master’s bedroom ay inabutan niya si Briar na tila kakagising pa lamang. Pupungas-pungas pa ito nang tapunan siya nito ng tingin. Muli itong napasulyap sa orasan. Pagkatapos ay muling tumingin sa kanya. “You’re up early.”
He shrugged. “I can’t sleep. Baka hindi muna ako magpunta sa Paradiso bukas, medyo masama ang pakiramdam ko,” pagpapaliwanag niya kahit na tila wala naman itong interes na malaman iyon.
Naupo siya sa higaan at marahang nahiga. Briar went to lay beside him too and went back to her slumber. Not even bothering why he could not sleep or why his eyes looked puffy, or why his hands were bandaged. She just did not care at all about him.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata ngunit hindi niya pa rin magawang makatulog. Mabigat ang kanyang dibdib at hindi siya makahinga. Hindi niya magawang huminga.
Para siyang nalulunod. Sa pakiramdam niya ay unti-unting pinupuno ng tubig ang kanyang mga baga habang dahan-dahan siyang lumulubog sa kailaliman. He wanted to reach his hand. He wanted to call for Feng’s help. Or Briar’s. But no voice could ever come out of his mouth. What was left for him was to stare at the seemingly distant glow of light, slowly fading, fading into pitch-black–
The soft sound of vibration snapped him out of his thoughts. Ngunit kaagad niyang naipikit ang kanyang mga mata nang marinig ang tinig ng kanyang asawa at maramdaman ang pagbangon nito mula sa higaan.
“Andrew, love? Madaling-araw na, a… Bakit gising ka pa? Can’t sleep?”
The tobacco sure was bitter. Because up until now, he could still feel the lingering taste of it in his mouth.