Hindi talaga siya pumasok noong araw na iyon. Walang gana si Jianyu na makiharap sa ibang tao. He could feel his head pulsating and aching, probably due to the lack of sleep. Si Briar naman, maganda ang gising at tila walang pinoproblema. Nang magising ito ay kaagad itong nagpaalam sa kanya na dadalaw lamang sa ina nito. Inalok niya ito na sasamahan niya ngunit tumanggi ang kanyang asawa at dali-daling nag-ayos at umalis.
Naipikit na lamang ni Jianyu ang kanyang mga mata habang pinapanood ang kanyang asawa na maglakad papalabas ng mansyon. Tinanggihan din nito ang alok ng mga tauhan niya na ihahatid ito sa tahanan ng mga Mendez. Hindi naman siya tanga para maniwala na roon ang destinasyon nito. Alam niya kung saan ito patungo. At kung sino ang tunay na kikitain nito. Kahit na alam niya ay wala siyang lakas na pigilan ito at paghigpitan. Hindi niya ugali iyon.
"Ano, Jianyu? Gagawin mo na lang bang tanga 'yang sarili mo?" galit na bungad sa kanya ni Feng nang makapasok ito sa loob ng kanyang silid. "You should've stopped her from leaving! Harap-harapan ka na niyang ginagago! Por dios!"
He let out a deep breath. "Look, Feng… You don't understand. I just—"
Pagak itong tumawa. "Well kung hindi mo kaya na komprontahin 'yang magaling mong asawa, ako kaya ko, Jianyu. And I won't sit around and watch like a fool as she make a dumb idiot out of you!"
"Feng!" pagtawag niya rito nang talikuran siya ng lalaki at mag-umpisang maglakad papalayo. Dahil malalaki ang hakbang ng kanyang matalik na kaibigan ay bahagyang naging mahirap para sa kanya at sa pilay niyang paa na mahabol ang lalaki. Halos magkandarapa si Jian para lang maabutan si Feng. Natigil lamang ito sa paglalakad nang mahablot niya ang dulo ng manggas ng suot nitong damit. Hinihingal na hinabol niya ang kanyang hininga. "Feng, please... Huwag. Magpigil ka na lang para sa 'kin..."
Pagak itong tumawa. Naihilamos nito ang mga palad nito sa mukha nito. "My god, Jian! What has gotten into you? Niloloko ka na lang ni Briar, e! Sinasaktan ka na lang niya! Hanggang kailan ka magpapaka-martir? You're Jianyu Lee, for f*ck's sake! You got it all just to be treated like some speck of dust!"
"Hindi mo naiintindihan, Feng!" galit na sigaw niya bago siya napasalampak sa huling baitang ng hagdan. "Humahanap siya ng butas... Ng pagkakataon para magkaroon siya ng dahilan na iwanan ako... Feng, I'm trying to prevent her from leaving me... Intindihin mo naman ako..."
Hindi ito umimik. Bagkus ay dumiretso ito sa coat rack at isinuot ang coat nito. Sinulyapan siya ng kanyang kaibigan. "Well maybe you'll be better off if she's not around, Jian."
"Feng!" sigaw niya. "Take your coat off and stay here or I'll—"
"You'll what, Jian? Fire me?" panghahamon nito. "Kaibigan kita. Matalik na kaibigan at amo. I've been serving you for almost half of my life, Jian. Pero sana, intindihin mo rin ako kung gusto kitang protektahan ngayon."
Wala siyang nagawa nang maglakad papalayo si Feng at sumakay sa sarili nitong sasakyan. Nang makabawi ng lakas ay kaagad siyang tumayo at tinawagan ang isa niya pang driver para sundan ang sasakyan nito. Hindi niya hahayaan na may gawin si Feng na maaaring maging dahilan ni Briar kung bakit siya nito iiwan. Ayaw niyang mangyari iyon.
Narinig niya ang usapan nito at ng nobyo nito kagabi. Kapwa nagbabalak ang mga ito na mangibang-bansa sa oras na makahanap ng butas o ng pagkakataon si Briar na iwanan siya. At ang tanging naisip niya lamang na paraan para manatili ang kanyang asawa sa tabi niya ay ang manahimik, maging bulag, pipi, at bingi sa lahat ng ginagawa nitong pangloloko sa kanya. Makakaya niya pang tiisin ang lahat ngunit hindi niya alam kung kakayanin niya na wala si Briar sa tabi niya. Kakayanin niyang tanggapin ang lahat ng sakit na idinudulot nito sa kanya ngunit hindi niya matatanggap kung iiwan siya nitong nag-iisa.
Nang mamataan na i-pi-nark ni Feng ang sasakyan nito sa harapan ng isang fastfood restaurant ay kaagad niyang inutusan ang kanyang driver na huminto rin doon. Dali-dali siyang bumaba, bagaman nahihirapan sa pagkilos dala na rin ng kanyang pilay na paa. Buti na lang at nahablot niya ang kanyang tungkod bago siya umalis sa mansyon.
Nang makapasok sa loob ng lugar ay kaagad niyang iginala ang kanyang mga mata at hinanap si Feng, o si Briar at ang nobyo nito. Wala ang mga ito sa unang palapag kaya naman dali-dali siyang pumanhik sa hagdan patungo sa ikalawang palapag ng kainan na bahagyang pribado.
"Paano mo nagagawa kay Jian lahat ng 'to, Miss Mendez?" rinig niya na dagundong ng tinig ni Feng dahilan para mapahangos siya. "Lahat binigay niya sa 'yo pero ikaw, paulit-ulit mo siyang ginagago!"
Pagak itong tumawa. "Alam niya umpisa pa lang na hindi ko siya kayang mahalin, Feng. Huwag mo akong sisihin. Kaibigan mo ang may gusto at may gawa ng mga nangyayari sa kanya ngayon," matigas nitong saad.
"How could you be so heartless? Walang ginawang masama si Jian sa 'yo! He—"
"Feng enough," maawtoridad na saad niya. Masama ang tingin na iginawad niya sa kanyang kaibigan na hindi naman nagpatinag. Hinablot nito ang braso ni Briar at akmang hahatakin ito pauwi. "Feng! Sabi ko, tama na!"
"Kung kailangan ko siyang ikulong sa Paradiso para lang hindi ka na magmukhang tanga, gagawin ko, Jianyu," galit na saad nito. "Kung kailangan ko na higpitan ang security para lang hindi ka niya maiputan sa ulo, gagawin ko!"
"Feng, ano ba?" galit na sigaw niya bago ito nilapitan at pilit na inalis ang pagkakahawak nito sa braso ng kanyang asawa. "I said stop it!"
Kapwa silang natigilan nang bawiin ni Briar ang braso nito at galit na sumulyap sa kanya. "What the f*ck, Jian! Nakakasakal ka!" galit na bulalas nito. "Nakakasakal kayo pareho! Hindi ako bata na dapat mong ikulong sa poder mo! I was definitely going to meet my mother today but you ruined it!" Ipinakita pa nito ang smartphone nito kung saan makikita ang pag-uusap nito at ng ina nitong si Beula. Parang nais mahiya ni Jian para sa kanyang sarili at para kay Feng. Kapwa silang mali at—
"Briar, sandali, saan ka pupunta?" tarantang tanong niya nang talikuran siya nito at mag-umpisang maglakad papalayo. "Briar, huwag mo naman akong iwan—"
"Hindi ko na masikmura na makasama ka, Jian," malamig na tugon nito. "Kukunin ko lang gamit ko at iiwanan na kita. Nakakasakal ka na masyado."
Hindi niya inaasahan ang sumunod niyang ginawa para lamang mapanatili ito sa kanyang tabi. Lumuhod siya bagaman nahihirapan at niyakap ang beywang nito upang hindi ito makaalis. "Briar, please... i promise hindi na mauulit. Please, huwag mo 'kong iwan, Briar..."
"Jian, bitawan mo ako," utos nito na hindi niya sinunod. Mas lalo lamang humigpit ang kanyang pagkakayakap sa beywang ng kanyang asawa. Ngunit sadya yata na nanghihina ang kanyang buong katawan noong mga oras na iyon na mabilis itong nakakawala.
Nang huli niyang masulyapan ang mukha nito ay parang tinadtad nang pinong-pino ang kanyang puso. Nakangisi ito. Tila ba kasama sa plano nito ang... lahat.