XVII

1598 Words
Halos lumipad na ang sasakyan ni Jianyu dahil na rin sa utos niya sa driver na paharurutin ito. Hindi niya matatanggap kung aalis si Briar nang ganoon na lamang. Ayaw niyang pakawalan ang babae. Kahit na gaano pa kasakit. Kahit na gaano pa kasama sa kanyang sarili na mahalin ito. Alam niya na kaya niya pa itong kumbinsihin. Alam niya na kaya niya pang baguhin ang isipan nito. Alam niya na magagawa niya ring paibigin ito.  He dialled her number over and over. Still, nothing. Sinasagot lang siya ng operator. Iniwan niya si Feng sa fast food restaurant kanina. Hindi niya alam kung sinundan ba siya nito. Alam niya naman na maganda ang motibo ng lalaki ngunit dahil sa ginawa nito ay iiwanan na siya ng sarili niyang asawa. Tinawagan niya ang security ng Paradiso ngunit pare-parehong abala ang mga ito sa pagpapanatili ng katahimikan sa lugar. Isa pa, ayaw niya naman na ma-broadcast sa lahat ang personal niyang problema.  Mahigpit niyang nahawakan ang kanyang dibdib nang maramdaman ang paninikip niyon. Hindi siya makahinga at parang tinutusok nang paulit-ulit ang kanyang puso. Kaagad niyang hinagilap ang lalagyan ng gamot na palaging nakalagay sa kanyang sasakyan at kinuha ang isa sa mga tabletas na naroroon. Nilunok niya iyon at muling ibinalik ang tingin sa daan. Kahit na gustuhin niyang kumalma ay tila ayaw siyang hayaan ng sarili niyang katawan at isipan. Nanlalamig ang mga talampakan niya at parang sasabog ang ulo niya. Pati na rin ang puso niya.  Nang makarating sa mansyon ay bukas ang gate at may naghihintay na taxi sa labas. Kaagad niyang pinaalis ang taxi at dumiretso sa loob ng kanilang tahanan. Bagaman nahihirapang hilahin ang kanyang binti at may problema sa paghinga ay nagawa ni Jian na makaakyat sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Bukas ang pinto sa master’s bedroom. At nakalagay sa gilid ng pintuan ay ang isang malaking travelling bag na alam niya na kung ano ang laman.  “Briar…” Nakatalikod ito sa kanya habang inilalagay ang mga importanteng gamit nito sa loob ng shoulder bag na bitbit nito. Wala itong dinala maski isa sa mga damit o gamit na binili niya. Iniwanan iyon lahat ng babae. Sa pagkatuliro ay kinuha niya ang travelling bag at akmang ilalabas ang mga gamit na nasa loob nang pigilan siya ni Briar. “Briar, please huwag mo namang gawin sa ‘kin ‘to…” “Bitawan mo, Jianyu,” malamig na saad nito habang hinihila ang bestida nitong hawak-hawak niya. “Sabi ko, bitawan mo!” Sa malakas na paghila nito ay napasalampak siya sa sahig. Bahagyang tumama ang ulo ni Jian sa pader na ikinatigil nila pareho. Nabahiran ng pangamba at konsensiya ang mukha ni Briar habang pinagmamasdan siya ngunit kaagad naman itong tumalikod, bitbit ang bag na pinag-aagawan nilang dalawa. “Briar…” Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga. Itinigil nito ang ginagawa nito ngunit hindi pa rin siya nito nililingon. “Jian… may iba akong mahal. May iba akong gustong makasama. At… at hindi ikaw ‘yon. Jianyu, hindi ikaw ‘yon…” Humahagulgol na lumapit siya rito, paika-ika. Niyakap niya ito mula sa likuran at isinubsob ang mukha niya sa balikat nito. “Pero ikaw ang gusto kong makasama, Briar… Ikaw ang mahal ko…” “Pero hindi nga kita mahal!” galit na saad nito. “Hindi kita mahal at hindi kita magagawang mahalin, naiintindihan mo? Kaya pakawalan mo na ako, Mr. Lee. Hayaan mo na akong umalis.” “Briar naman!” pagproprotesta niya. “Bigyan mo ‘ko ng oras, please… please… huwag mo ‘kong iwan… Gagawin ko lahat, pangako! Huwag ka lang umalis… Titiisin ko lahat, magbubulag-bulagan ako at magbibingi-bingihan ako kung gusto mo! Please, Briar, huwag mo naman akong iwan, oh?” Pagak itong tumawa at kumawala mula sa kanyang pagkakayakap. “Naririnig mo ba ‘yang sarili mo, Jianyu? Ayoko ng gan’to! Ayokong makasama ka at mas lalong ayoko na magmukha ka pang tanga dahil sa ‘kin! Alam mo umpisa pa lang na hindi na tayo magiging masaya, Jian. Dapat tinanggap mo na noon pa lang!” “Hindi mo ba talaga ako naaalala, Briar?” may hinanakit na tanong niya, siguro ay dala na rin ng desperasyon. “Hindi mo ba talaga ako naaalala? Nagkakilala tayo noon! Pinangakuan kita na papakasalan kita at ginawa ko! Briar, you met me first! You promised me that you’ll marry me and that we’ll have kids! I… I gave you a rose brooch! I… I met you first…” Napaatras ito sa kanyang sinabi. Nabahiran ng pagtataka ang mukha nito. Napakunot ang noo ni Briar at napatingin sa kanya nang maigi. Hinaplos ang rose clip na nasa buhok nito. “You are… Yu?” The joy of recognition did not last that long. Nang tumango siya ay kaagad na nagbago ang mukha nito. Muling napalitan ng galit. “Ikaw si Yu, Jian?”  “I.. I am…” “Bigla mo ‘kong iniwan!” galit nitong sigaw. “Bigla ka na lang nawala pagkatapos mong sabihin na papakasalan mo ‘ko, hindi ka nagparamdam sa loob ng limang taon, at ngayon iniisip mo, ina-assume mo, na hihintayin kita? Na kakapit ako sa pangako mo? Nauna kang umalis, Jian! Hindi ako siraulo na panghahawakan ‘yong pangako mo sa ‘kin no’ng disisiete ako!” “I never left you, Briar!” desperadong bulalas niya. “I.. I kept on sending–” HIndi siya nito pinakinggan. Kinuha nito ang travelling bag at shoulder bag na hawak nito at nilampasan siya. Bago ito lumabas ng silid ay sinulyapan muna siya nito at may bakas pa rin sa mukha nito ang pagkamuhi sa kanya. “Ayoko nang marinig kung anong sasabihin mo. Snap out of it, Jian. Kahit kailan, hinding-hindi na ulit kita mamahalin. I was dumb back then. I was dumb enough to believe all of your promises and lies and whatever kind of s**t you told me. Pero hindi na ngayon.” Sinipa nito ang kanyang tungkod bago ito humahangos na lumabas. Sinamaan pa nito ng tingin ang nakasalubong na si Feng bago ito nilampasan at naglakad papalayo. Susundan sana niya ito kung hindi lang niya nakasalubong si Feng. Mabigat na ang paghinga ni Jian. Nang tumayo siya ay kaagad niyang naramdaman ang pamimintig ng kanyang ulo at ang pag-ikot ng kanyang paningin. Bago pa man siya makalabas ng silid ay nasalo siya ni Feng at natataranta itong nagtawag ng tulong nang mapansin na para siyang mawawalan ng ulirat. Hindi niya na namalayan ang mga sumunod na sandali nang tuluyan nang magdilim ang lahat sa paligid niya. Nang balikan siya ng ulirat ay kaagad na napabalikwas ng bangon si Jian. Nakaupo naman si Feng sa isang gilid, tila naiidlip habang nakasandal sa pader. Nang ilinga niya ang kanyang paningin ay nasa Saavedra Medical Center siya. Ulit. Naihilamos niya ang kanyang palad sa mukha niya. Namimintig pa rin ang kanyang ulo at bahagyang mahirap pa rin para sa kanya na huminga. He sighed before trying to pull the IV tube attached to his hand only to be stopped by Feng’s voice. “Don’t pull that out, Jianyu.” Dumilat si Feng at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. “Dude, you’re dehydrated and you need some medicine because there’s a certain idiot who keeps on smoking and drinking beer even though he knows that his body is weak.” “Where’s she?” nanghihinang tanong niya na dahilan para mapapikit sa inis si Feng. “Seryoso ka, Jian? Nasa ospital ka ngayon pero si Briar ang nasa isip mo?” “Can you blame me? She left me, Feng. In case you haven’t figured it out.” Pagak itong tumawa. “Why are you snarky? Inuna ka naming dalhin sa ospital, Jianyu. Hindi naman life-threatening ang pagkawala ng babaeng ‘yon kaya natural lang sa ‘min na mag-alala sa ‘yo.” He sighed before sinking back to his bed. “Look, just… deploy some of our men to look for her, okay? Please, Feng… just this once.” “Hindi na kita maintindihan, Jian,” may halong pag-aalala na saad nito. “Bakit mo ba palaging inuuna ang babaeng ‘yon kaysa sa sarili mo? Palagi mong sinisiksik ang sarili mo do’n sa babaeng hindi ka naman gusto. My god, Jian! Just give it up already! Sinabi niya na sa ‘yo, hindi ka niya mamahalin! At kahit gaano pa katindi ‘yang nararamdaman mo, kung ayaw niya sa ‘yo, wala kang magagawa…” Natahimik siya nang maalala ang mga sinabi ni Briar sa kanya kanina. He just could not make himself stop. Dahil mas gugustuhin niyang magmukhang tanga at siraulo kaysa mawala si Briar sa piling niya. Ngunit halos isuka na siya nito. Halos… ipagtabuyan. Papalayo. “Jian, hindi por que pinipigilan kita e ayaw ko na na sumaya ka. Gusto ka naming sumaya. Gusto kitang sumaya. But you deserve better,” mahinahong saad ni Feng. “You deserve someone better than her, Jian… Someone who could love you more. Huwag mong habulin ‘yong taong mahal mo. Manatili ka sa taong mahal ka.” “Just… deploy a unit now, Feng,” tipid na saad niya. ‘Kapag na-discharge ako, sasama ako sa paghahanap sa kanya. Kahit na magalit ka pa.” “Ugh, you damned…” Feng muttered before taking out his phone and dialling a number. Sandali itong lumabas ng silid para makipag-usap sa tauhan nila, habang siya, mag-isang nalulunod sa kaisipang magagawa niya pang maayos ang lahat sa buhay niya. Denial… sure was one hell of a drug.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD