Maagang pumasok si Feng noong umagang iyon dahil ayaw niyang masilayan si Briar at Jian. Alam niya naman kasi kung anong nangyari sa dalawa kagabi. Katapat lamang ng kanyang silid ang kuwarto ng babae at dinig na dinig niya ang lahat. Alam niyang wala siyang karapatan na magselos. Damn, Briar would not even throw him a stare. She already belonged to Jian. His own freaking best friend. Hindi naman yata tama na magkagusto siya sa asawa ng pinakamatalik niyang kaibigan. Ngunit sa tuwing nakikita niya ito na umiiyak dahil mismo sa kanyang kaibigan, kahit na may kasalanan din naman ito, hindi niya mapigilan na makaramdam ng pait sa lalamunan niya. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na mapahiling na sana, sana, siya na lang si Jianyu. Sana ay siya na lang ang gusto ni Briar. Dahil alam na

