"Saan ka galing?" Napapitlag si Briar nang makapasok siya sa kanyang silid. Inihatid siya ni Feng sa may likod na gate at sa harap naman ito dumaan para raw hindi maging kahina-hinala sa nagbabantay. Buong ingat at tahimik niya pang inakyat ang kanyang silid sa takot na baka magising si Jian ngunit hindi niya inaasahan na naghihintay ito sa kanyang silid. Madilim ang mukha ng lalaki at tila hindi maganda ang gising. Nakasuot lamang ito ng simpleng sleeping robe at pajama na satin. Nakahalukipkip ito habang nakaupo sa isa sa mga leather chair na nasa loob ng kanyang silid. Napalunok siya at pinadaan ang kanyang kamay sa buhok niya. Sinasabi niya na nga ba. Alam niya na magigising ito, kung hindi man makakatunog. "Galing lang ako sa may garden, nagpahangin," kalmadong saad niya bago siya t

