Kung ano ang ikinalambing ni Jianyu noong lasing ito, ganoon din ang ikinalupit nito nang mawala na ang epekto ng serbesa sa sistema nito. Naisin man ni Briar na umiyak ay hindi niya magawa. Ganoon din naman kasi ang ginawa niya sa lalaki noon. At masisisi niya ba ito kung ibabalik nito sa kanya lahat ng kanyang mga ginawa noon? Ngayong nagbaliktad ang kanilang posisyon ay hindi niya magawa na magmakaawa dahil alam niya na mas lalo lamang itong matutuwa at papahirapan siya. Kaya naman ang tanging kaya niya na lamang gawin ay ang manahimik sa isang tabi at... magtiis sa trato nito sa kanya. Napalunok siya nang makita ito na nakaupo sa hapag. Kakagaling niya lamang kasi sa kusina at nagboluntaryo siya na magluto para sa pag-uwi nito. Wala si Feng at mukhang sapilitan talaga silang pinaghi

