"Mukhang hindi yata maganda gabi mo, Madame Shan," bungad kay Shantal ng mga dancer niya sa Nighttime Paradise, ang nightclub na kanyang pagmamay-ari. Madilim kasi ang kanyang mukha habang iniinom ang laman ng kanyang baso. Mahigpit ang hawak niya roon at halos mamuti na ang kanyang kamao. Sandali niyang tinapunan ng tingin ang kanyang dancer bago nagpatuloy sa pag-inom. "Alam mo ba, Madame, umuwi raw ang asawa ni Chairman Lee," tsismis pa ng isa. Nang marinig iyon ay mas lalong nagpantig ang tainga ni Shantal. Lumipad ang baso na kanyang hawak patungo sa kabilang dako ng silid. Buti na lamang at sarado pa ang club noong mga oras na iyon at wala namang natamaang customer o empleyado. Nahintatakutan ang mga tauhan ng naturang nightclub. Palagi kasi nilang nakikita si Shantal na mahinhin a

