Bahagyang napangiti si Feng nang makita ang baseball cap na nakapatong sa gilid ng kanyang bedside table. Mumurahin lang iyon at sa katunayan ay sa bangketa lamang nabili ng nagbigay. Ngunit kahit na kaya naman niyang makabili ng isandaan na ganoon na puro branded ba, iyon lamang ang tanging nakapagpangiti sa kanya. Siguro ay dahil unang beses iyon na may nagbigay sa kanya ng hindi mamahaling bagay. O marahil ay dahil na rin maganda ang ngiti ng nagregalo niyon nang isuot nito ang cap sa ulo niya. Napabangon siya at nag-unat. Naghikab. Maaga pa at tiyak niya na tulog pa si Jianyu. Nakagawian niya na rin na maagang gumigising para mag-ehersisyo. Simula noong naging sekretarya kasi siya ng may-ari ng Paradiso ay halos kakaunti na lamang ang oras niya para sa sarili. Lalo na nang bumalik si

