Briar sighed as she opened the door leading to their apartment. Pagkatapos ng halos isang buong araw na shift bilang isang crew sa isang maliit na food stand sa New York na nakaharap sa mga customer na minsan ay sumusubok sa kanyang pasensya ay mas lalong nagpantig ang kanyang tainga nang maabutan ang maliit na silid na magulo. Wala si Andrew at hindi niya alam kung saan nagtungo ang lalaki. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga bago mariing pumikit. Ibinaba niya ang kanyang mga gamit sa ibabaw ng sofa at inumpisahang pulutin ang mga gamit nilang nakakalat. Tila ba may hinahanap ang lalaki bago ito umalis. Sa inis ay padabog niyang pinulot ang mga iyon nang matigilan siya. Para siyang manlulumo nang makita na wala nang laman ang maliit na lata niyang pinagtataguan niya ng pera.

