Kanina pa pinagmamasdan ni Jian si Feng habang may kausap ito sa smartphone nito. Sa bawat beses na magba-vibrate iyon ay lumalayo ito para lang mag-reply o hindi naman kaya ay pinapatay ang tawag. Tila ba talagang umiiwas sa kanya at ayaw ipakita kung sino ang kausap nito. He let out a deep sigh as he tasted the wine in his glass. Shantal was busy and he had no one to let out his steam on. Isa pa, ilang araw na rin siyang binabagabag ng misteryosong kausap ng kanyang matalik na kaibigan. Kahit kailan ay hindi naglihim si Feng sa kanya. Sa katunayan nga ay palagi nitong sinasabi kung sino ang kausap nito, o kung sino ang nakita nito o kung ano pa man. Alam niya palagi kung saan ito nagpunta o kung ano ang gusto nitong gawin. Maliban na lamang ngayon. He gulped the last volume of his win

