“Chairman Lee, nandito na si Briar Mendez-Lee,” saad ni Feng sa kanya habang kalmado niyang ginagawa ang kanyang trabaho sa loob ng kanyang study. Hindi talaga siya pumasok noong araw na iyon para lang sa espesyal niyang bisita. Ang bisitang kaytagal niyang hinintay na dumalaw sa kanya. Sandali siyang nag-unat at sinulyapan ang bote ng wine na pinagkakatabi-tabi niya. Nagkibit-balikat na lamang siya at ngumisi na nakakaloko. “Send her to my room and ask the maids to bring this bottle of wine there. Susunod na lang ako.” Yumukod si Feng bago sinunod ang utos niya. Nang makaalis naman ang kanyang kanang-kamay ay binuksan niya ang CCTV camera na inilagay niya sa kanyang silid at pinanood si Briar habang kabado nitong pinagkikiskis ang mga palad nito. Bagaman nakikita lamang sa may kamera ay

