Parang robot si Briar habang inaayos ang mga gamit niya sa kanyang silid. Hindi niya alam kung saan niya dadalhin ang kanyang pamilya. May kakaunti pang natitira sa kanyang bank account na kanyang ipinagkatiwala sa kanyang ina ngunit ilang buwan lamang ang itatagal niyon sa kanila. Tumakas na ang kanyang Kuya Benedict sa mga responsibilidad nito at tuluyan nang hindi nagpakita sa kanila. At siya naman, heto ay naiwang mag-isa para pasanin ang lahat ng problemang iniwan ng kanyang ama at kapatid. Nagpakawala na lamang siya ng malalim na buntong-hininga bago saglit na nahiga sa kanyang kama. Mamaya ay darating ang mga tauhan ng kanyang asawa para tingnan kung umalis na ba talaga sila sa bahay nila. Dapat pagdating ng oras na iyon ay wala na silang mag-anak doon. Inalala niya sa kanyang isi

