Halos mahilo si Briar sa dami ng kanilang dinaanan ni Jian pabalik sa Paradiso. Una ay idinaan siya nito sa ospital at pinaresetahan siya ng pills at vitamins. Sumunod ay sa kung saan-saang boutique at salon. Panghuli ay ang isang pamosong jewelry store kung saan ibinili na naman siya nito ng isang set ng jade accessories at alahas na gawa sa ginto, perlas, at jade. Nang makuntento ito ay umuwi na sila ngunit may inutusan ito sa isa sa mga maid nito na alalayan siyang maligo at damitan nang magarbo. Inutos pa nito na pagkatapos ng hapunan ay kailangan niyang magtungo sa silid ng lalaki. Para siyang hindi makakahinga habang nagbababad sa bathtub sa katabing silid ng lalaki. Roon na raw siya matutulog at iyon na ang bago niyang silid. Sa kabila niyon ay matindi pa rin ang kabog ng kanyang

