Shantal Kim, right?” Napangiti ang babaeng naupo sa kanyang tabi. Hindi katulad noong mga nakaraang gabi ay maganda ang porma nito. Nakasuot ang babae ng isang pares ng pulang Amerikanang bahagyang kumikinang sa tama ng ilaw. “Long time no see, Mr. Lee.” Jian shrugged and continued to drink. “I just… had so many things on my plate these past few days, Miss Kim–” “Shantal. Shantal na lang itawag mo sa ‘kin,” gagap nito. “Let’s not be too formal around here.” “M’kay.” Sandaling hindi umimik ang kanyang kasama. Ngunit mayamaya ay tumayo ito. “Want to go to the VIP room? Medyo… dumadami na ang tao rito. It’s getting stuffy.” Nagpatianod siya sa paghatak ni Shantal sa kanya. Hindi niya alam kung bakit. Siguro ay dahil hanggang sa mga sandaling iyon, pinapaalala nito, at nagpapantasya pa

