“So… did you like it?” Hindi mapigilan ni Briar na mapangiwi habang pinagmamasdan ang maliit naa silid kung saan sila titira ni Andrew. Hindi naman sa nagrereklamo siya ngunit mas malaki pa ang silid ng kanyang mga maid sa bahay kumpara sa tutuluyan nila. Sa tantiya niya ay nasa sixty square meters lang iyon. Ang sofa ay nakatapat sa kitchen counter at kalan, habang nakasabit ang isang maliit na flatscreen TV sa ibabaw niyon. Wala man lang isang maliit na dingding na naghihiwalay sa kama mula sa kabuuan ng apartment loft. Sa kabilang gilid ay may pinto na patungo sa isang maliit na banyo. Kung ikukumpara niya iyon sa kung ano mang meron siya sa X, siguro ay halos kasinglaki lamang iyon ng shoe closet niya at ni Jianyu. “I’m sorry. Wala talaga akong pera na, Briar. Isa pa, mahal ang livin

