"Kailangan mo nang magdesisyon kung sinong papakawalan mo, Jian." Tahimik lamang siya habang nakamasid sa kanyang asawang mahimbing na natutulog sa ibabaw ng hospital bed. Hindi umuwi si Feng sa mansiyon dahil kargo de konsensiya raw nito ang nangyari kay Briar. Panay naman ang pagtawag ni Shantal sa kanyang numero ngunit hindi niya sinasagot iyon. Gulong-gulo ang isipan niya at hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Masyado siyang natakot sa nangyari kay Briar na ngayon ay hindi siya makapag-isip nang maayos. Dumagdag pa ang kumpirmasyon ng kanyang hinala na may gusto rin si Feng sa kanyang asawa. At ang nakita nito noong oras bago mabaril sa braso ang babae. Jian let out a deep breath. "Alam mo naman kung ano si Shantal sa 'kin, Feng. Ayokong may masaktan kung sakali." Nagpa

