Briar groaned as she opened her eyes. The anesthesia has already worn of, and now the tenderness lf her arm was kicking in. Ngunit siguro ay tama na lamang na magpasalamat siyang sa braso lang siya tinamaan at hindi sa kung saan. Buti na lang din pala na mabilis magpatakbo ng motor si Feng ag natakasan nila ang bumabaril sa kanila. Hindi niya iyon natingnan nang maigi kaya hindi niya sigurado kung sino iyon. At mas lalong araw niya nang alamin pa. "You awake?" Dahan-dahang napalingon ang kanyang ulo sa kanyang tabi. Sinalubong siya ng nag-aalalang mukha ni Feng. Bahagyang magulo ang buhok nito at tila ba kanina pa wala sa ayos. Napaungol siya nang muling makaramdam ng kirot sa kanyang braso. Masuyo nitong kinuha ang kamay niya at pilit siyang pinakalma. "Don't worry, sabi ni Doc Saavedr

