Napamulagat na lamang si Briar nang gisingin siya ni Jian noong umagang iyon. Kaarawan niya sa susunod na araw ngunit tila wala man lang nakakaalala, lalo na ang asawa niya. O sadyang wala lang itong pakialam. Ewan. Hindi niya alam. May pupuntahan daw silang dalawa, base sa pagkakasabi nito. Dahil Sabado at wala namang gagawin o pasok sa paaralan ay nagpatianod na lamang siya. Hindi niya rin naman kasi maaaring suwayin ang kagustuhan ng kanyang asawa lalo na at napapansin niya na palagi na lang mainit ang mga mata nito sa kanya. Simpleng flare jeans na pinarisan niya ng puting turtleneck ang isinuot niya. Hindi na siya nag-abala pa na mag-ayos nang todo dahil alam niya naman na hindi iyon mapapansin ng lalaki. Siguro ay importanteng lakad lang ang mayroon sila ngayong araw at kailangan

