Before that day ended, Jian took her to a five-star hotel. Kanina pa ito walang imik, simula noong makita nito ang mga pasa sa kanyang katawan. Hindi niya naman nasagot ang tanong nito dahil sa katunayan, maski siya ay hindi niya kilala kung sino at ano ang dahilan kung bakit siya sinasaktan ng mga ito. Kung bakit siya ayaw patahimikin. Ayaw niya naman mambintang at mas lalong hindi niya ugali iyon. "Jian?" Napalingon ito sa kanya nang lumapit siya sa lalaki. Tahimik lamang itong nakaupo sa balkon ng kanilang silid at pinagmamasdan na unti-unting lumubog ang araw sa may dalampasigan. Tipid itong ngumiti at sinenyasan siya na maupo sa kandungan nito, isang bagay na kanyang pinaunlakan. Pinasandal siya ni Jian sa balikat nito habang tahimik nilang pinapanood ang malaking bola ng apoy na u

