Mabigat ang puso ni Briar nang gumising siya kinabukasan. Kaarawan niya pa naman noong araw na iyon ngunit wala siyang ibang nararamdaman kung hindi ang bigat sa kanyang dibdib at ang pamamait ng kanyang lalamunan. Hindi rin kumikibo ang lalaki. Bagaman magkatabi silang natulog ay wala itong imik. At ganoon din siya. Hindi na yata nila kailanman maiintindihan ang isa't isa. Hindi malaman ni Briar kung ano ang dapat niyang gawin. Pero ngayon, hahayaan niya na lang ang lalaki. Kaysa naman lalong tumindi ang bigat na kanyang nararamdaman at mas lalo pang dumalas ang kanyang pagluha, pipiliin niya na lang na hayaan ito sa kung ano mang gusto nito sa buhay nito. At siya? Hindi niya alam... Hindi niya na alam kung kakayanin niya pa ang laro ni Jianyu sa puso niya. Nagpakawala siya ng malal

