Alhena Bernabe “Gavin, Alhena maghanda na kayo maya-maya lang mag s-start na ang party,” saad ni Tito Jemmuel sa’min nang muli siyang pumasok sa kwarto ni Gavin. Hanggang ngayon kasi ay nandito pa rin kami sa kwarto niya, balak pa kasi yatang ubusin ng anak ko kaka color ang mga drawing books niya. “Sige, po Tito lilinisan ko lang po si Gavin,” tugon ko naman agad. “Okay siya nga pala, Alhena ang susuotin mo ay pinalagay ko na sa kwarto mo, ipapahatid ko na lang dito ang kay Gavin ha?” sabi pa ulit ni Tito Jemmuel, at agad ko naman siyang tinanguan bilang tugon at nagpaalam na agad itong lumabas. Agad ko na ring pinatigil si Gavin sa kanyang pag c-color para maya-maya lang ay maliguan ko na siya. Ayoko namang liguan siya agad dahil ayokong mapasma ang mga kamay niya buong hapon kasi

