Alhena Bernabe “C’mon, Dad are you kidding me? She’s just Gavin’s mom,” natatawang tugon ni Gael kay Tito Jemmuel. At parang sinaksak nang paulit-ulit ang puso ko dahil sa’king narinig. Gustong-gusto ko ng umiyak pero pinipigilan ko lang dahil nakakahiya naman kay Tito Jemmuel. Wala na ba talaga ako kay Gael? Talaga bang hindi niya na bibigyan ng chance ang relasyon naming dalawa? “Anyways, halina’t kumain na tayo nang sa ganun ay makapag pahinga na rin muna agad kayo,” wika ni Tito Jemmuel at nagpatiuna na ito sa paglalakad sumunod naman agad kami ni Gael sa kanya. Pumasok kami sa dining area nila at namangha ako sa desinyo nito mas malaki at malawak ang dining area ng mansyon nila rito kesa sa dining area sa mansyon ni Gael sa Pinas. At mas namangha pa ako nang makita kong maging

