Gael Lagdameo “Wala ka ng babalikan rito, Alhena!” galit kong anas sa’king isipan. Talagang mas mahalaga pa sa kanya si Joseph kesa sa’min ng anak namin sisiguradohin kong pagsisihan niyang bumalik pa siya rito. Paglabas ko sa silid ni Alhena ay tinungo ko naman ang silid ko at kinuha ko ang cellphone ko at tinext ko siya ng pambabanta pagkatapos ay agad kong kinuha ang susi ng kotse ko at saka lumabas sa aking silid sunod kong tinungo ang silid ni Gavin. Tulog na tulog na ang anak namin pero kailangan ko itong gisingin dahil aalis kami ngayon din. Ilalayo ko na si Gavin sa kanya tutal mas pinili naman niya ang gag*ng Joseph na iyon kesa sa’ming dalawa. “Son, wake up,” pang-gigising ko kay Gavin sabay tapik nang mahina sa kanyang kanang braso. Agad naman itong nagising at kahit kaka

