Alhena Bernabe Nalaman ko ang pagpunta at pahingi ng tawad ni Gael sa Lola ko dahil si Lola mismo ang nagsabi sa akin. (FLASHBACK. The day after Gael went to our house) Naghahanda na ako para sa aking trabaho iiwan ko na lang muna ngayon si Gavin kina Lola at Dina. Pero hinandaan ko muna siya ng almusal at pinalabas ko ang lahat ng kakailanganin niya upang hindi na mahirapan sina Lola. Kasalukuyan akong nagkakape noon ng pumasok si Lola sa aming bahay, at tulog pa si Gavin ng mga oras na iyon dahil alas sais pa lang. “Good morning po, Lola,” nakangiting bati ko noon kay Lola. “Magandang umaga, apo, maari ba muna kitang makausap?” malumanay na tanong naman agad sa akin ni Lola. “Sige po, Lola upo po kayo,” tugon ko naman agad at tumayo agad ako mula sa aking silya upang ipaghila s

